Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 5 NG 30

Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin? Psalm 56:4 (Ang Dating Biblia (1905))

Ang takot ay isa sa mga bagay na nilikha para maramdaman nating kelangan natin ang Diyos at manguna sa atin patungo sa Kanya at maunawaan natin na wala tayong lakas para maisalba ang ating mga sarili sa kapahamakan. May tiwala ako Sa'yo – bilang nag-iisang tumubos sa akin. Ito lang ang tanging magpapahinahon sa'ting isip sa kalagitnaan ng panganib. Nahaharap natin ang ating mga takot sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon, at pagpuri sa Kanyang Pangalan at Kanyang Salita. Ang ating pagpuri sa Diyos ay paghayag ng ating pagmamahal natin sa Kanya, pagkilala ng Kanyang pagmagmahal sa atin, at ipaalala na “ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot” (1 John 4:18). Ng dahil sa pag-ibig at mga pangako ng Panginoon na nasa puso natin, ano na lang ang magagawa ng isang nilalang sa'tin na hind maganda? Walang pag-aalinlangan na kaya nating magtiwala sa Diyos at sa Kanyang Salita dahil ang sabi Niya, “Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” (Isaiah 41:10) Ang pagtiwala sa Diyos: 1) Ay nagbubunga ng katibayan ng ating pananampalataya, 2) nagbibigay ng kapayapaan at kasiyahan, 3) Nagbibigay tulong sa panahong kailangan, at 4) nagbibigay ng kagalakan sa ngayon at magpakailanman. Pagpalain tayo ng Diyos!

by @stvmink
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com