Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 7 NG 30

Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod Niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
Mga Taga-Colosas 1:10 ADB (1905)


Pagod na. Napapagal. Pinapanghinaan ng loob. Ito ay ilan sa mga salitang ginamit ng aking kaibigan upang ilarawan ang kanyang kalagayan. Alam kong taos puso ang pagmamahal niya sa Diyos. Naging mananampalataya siya dalawang taon na ang nakakalipas, at napukaw siya sa tawag ni Hesus na magdisipulo. Magsisilbi siya ng tila walang katapusan, palaging nariyan para sa sinumang nangangailangan. Hanggang siya ay naging isa sa mga pinuno ng Iglesya. Buong katapatan niyang ninais na mabuhay ng "nararapat sa Panginoon". Kaya lamang, matapos ang isang taon, napagod siya at nakipagbuno sa kapaitan ng damdamin.

Sinunod niya ang isang payo at nagpasya siyang bumaba sa pwesto bilang pinuno upang makapaglaan ng panahon para ayusin ang relasyon niya sa Panginoon. Pinalalim at pinalawak niya ang kaalaman niya sa Salita ng Diyos at naglaan siya ng maraming oras sa pagdarasal ng buong puso. Sa gitna ng panahong ito, may kakaibang pangyayaring naganap. Tulad ng isang mabilis na agos ng talon, sinakop ng mabuting balita ng naguumapaw na grasya ng Panginoon ang kanyang pagal na kaluluwa.

Napagtanto niya na sinisikap niyang makamit ang pag-ibig ng Diyos, sa pamamagitan ng sarili niyang lakas upang mabuhay ng nararapat sa Kanya. Sa paglipas ng ilan pang mga buwan, ang kanyang puso ay binago ng mabuting balita ng grasya ng Panginoon. Sabi niya, parang "nanampalataya" siya muli sa pangalawang pagkakataon. Ngayon at naiintindihn niya na na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi pinagsisikapang matanggap, kundi ito ay regalo sa pamamagitan ng grasya. Natuklasan niya ang pagkatao niya bilang minamahal na anak ng Diyos.

Ang bersong nasa larawan ay bahagi ng panalangin ni Pablo para sa mga taga Colosas. Upang maisabuhay ang panalanging ito, kailangan nating kilalanin ang walang hanggang halaga ng Diyos bilang ating saklolo at kasiyahan. Tanging sa pamamagitan Niya lamang at ng pananampalataya sa Kanya tayo makakaasang makakaya natin ang "lumakad ng nararapat sa Kanya". Ito ang napagtanto ng aking kaibigan sa gitna ng panahon ng kanyang kapagalan. Hindi ito tungkol sa pagkuha ng paghintulot ng Diyos. Ito ay hingil sa paglalakad sa paraang naipapakita kung gaano kahalaga, kahusay, at kalakas ang Panginoon.

Makalipas ang ilang taon, bumalik ang kaibigan ko sa kanyang lupang-tinubuan upang ibahagi ang mabuting balita -- sa isang bansang kilala sa paguusig nito sa mga Kristiyano at mga pagpapasabog ng terorista. Gayon pa man, bumalik siya ng may pananampalataya at ligaya sa kanyang puso. Naniniwala siyang ang kabutibutihan ay parating pa lamang. Ang kanyang hangad na mabuhay ng nararapat sa Diyos ay hindi na isang bagay na nagpapahina ng kanyang lakad-espiritwal. Kundi, ito na ay naging pamuhatan ng bunga sa kanyang buhay. Ang kanyang motibasyon ay naguugat mula sa lupang nagbibigay buhay na grasya ng Diyos -- at binabago nito ang lahat.


by @Godsfingerprints translated by @kaybeenotes

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com