30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin. John 15:4 (Ang Dating Biblia (1905))
Ang mamalagi kay Kristo ay manatili sa Kanya – ibig sabihin, sumunod sa tawag ng Gospel and ipagpatuloy ang buhay dahil na sa atin ang Panginoon. Pero sadyang madaling sumuway at gumawa ng ibang mga bagay-bagay – kahit yung mga sa tingin natin ay tama at maganda. Ang buhay na nangunguna ang Panginoon ay maaring unti-unting mapalitan ng pamumuhay na ang interes lamang ay maging banal na may katangian katulad ng pagtitiis, kontrol sa sarili, o kabaitan. At sa pagsusumikap na maging banal, unti-unti nating nakakalimutan na ang nag-iisa nating layunin na sumunod sa Panginoon. Siya ang puno ng ubas, at Siya ang nag-uutos na sumunod tayo, magtiwala tayo sa Kanya; na ang Kanyang Salita lamang ang nasa puso at isipan natin, na hindi natin makakalimutang ang Gospel, at mamuhay para sa Kanyang kaluwalhatian upang makapamunga tayo ng mga prutas na hindi masisira (John 15:16). Nang dahil tayo ay sumusunod sa Diyos, magkakaron tayo ng bunga ng banal na Espiritu na dadaloy sa ating isipan, puso, gawa, at ang ating pagsasalita. Nang dahil sa ating pag-sunod sa Panginoon masasabi natin kasama si Paul, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.” Philippians 4:13. At ano ang kayang gawin ni Paul? Nagawa niyang maging kuntento sa lahat ng mga pangyayari – hindi dahil nakaukit na iyon sa isip niya kundi sumunod siya sa Panginoon at nabigyan siya ng lakas na maging masaya at maging kuntento sa lahat ng bagay. Kaya huwag natin lokohin ang ating mga sarili sa paggawa ng hindi dapat at mga dapat sa pagiging Kristiyano, kundi siyasatin natin ang ating mga puso – sumusunod ba tayo sa Panginoon? Sumusunod ba tayo sa Kanyang Salita? May tiwala ba tayo sa Kanya araw-araw? Namumuhay ba tayo para sa Kanyang kaluwalhatian? Naway ang pagsunod sa Kanya ay maging marka sa ating mga buhay para lamang sa Kanyang kaluwalhatian.
by @grace_word

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com