30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Psalms 119:105 (Ang Dating Biblia (1905))
Naligaw ka na ba? Ito yung pinaka-ayaw kong nangyayari sa akin. Parati kong tinatanong sa isip ko bawat hakbang na gagawin ko dahil sa walang-katiyakan kung pupunta ako sa tama o maling landas. Noong nakaraang taon, nagdesisyon kaming mag-asawa na lumipat mula California patungong Texas. Noong ginagawa pa lang ang bahay namin sa Dallas/Ft. Worth banda, nakatira kami sa bahay ng aking in-laws na dalawang oras ang biyahe mula sa amin (pagpalain sila ng Panginoon!!!) At dahil sa bagong siyudad, kailangan kong umasa sa aking iPhone map para makarating sa kung saan man. Isang araw, mananghalian kami ng aking asawa kaya ginamit ko ang iPhone map at nilagay ang address ng kanyang opisina at patuloy akong nag-maneho. At dahil mejo nasanay na ko sa kinagawiang daan, hindi na ako sanay na makarinig ng bagong instruksiyon mula sa aking iPhone. At di natagal na-lowbat na ang battery! Dahil wala akong ideya ano ang aking gagawin, itinabi ko ang kotse at nag-isip muna. Nagsilabasan ang luha sa aking mga mata. Wala ring paraan para matawagan ko ang aking asawa at wala rin akong ideya kung saan banda ako dadaan pauwi o di kaya papunta sa kanyang opisina. Naligaw ako at hindi ko alam saan ako pupunta! Isang bagay ang makaramdam ng pagkaligaw sa daan at isang karanasan naman ang makaramdam ng pagkaligaw sa isang banda sa ating buhay. Naramdaman mo na bang parang naliligaw ka sa iyong buhay at hindi mo alam anong direksyon ang iyong tatahakin? Dahil lumipat kami ng bagong tirahan, nasa proseso din kami ng pagsimula ng bagong season ng buhay namin. Sa pagsimula ng bagong season na ito, pakiramdam ko naliligaw ako ng konti at hindi sigurado kung ano sunod na hakbang ang tatahakin ko. Gagawin ko ba ito o gagawin ko iyan? Paano ko aayusin yung schedule ko? Maraming bagay ang lingid sa aking kaalaman – maraming nagbabago. Kailangan ko munang “itabi” at hanapin si God at ang Kanyang direksyon. Hindi pa ako nakakatanggap ng detalyadong listahan ng kung ano ang dapat gawin. Ang natanggap ko lang ay isang paalala sa bawat mahalagang katotohanan na makikita sa Kanyang Salita: Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas (Proverbs 3:5-6). Gagawing tuwid ni Lord ang iyong tatahakin. 'Pag pinagpatuloy natin ang pagtitiwala sa Panginoon at anyayahin Siya sa bawat parte ng ating buhay, itutuwid Niya ang ating landas. Magiliw Niya tayong pamumunuan at gagabayin bawat sandali ng ating buhay. Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon. (Joshua 1:9) Anjan ang Panginoon kahit saan man tayo pumunta. Nakakapagpalakas ng loob na kahit kumaliwa man tayo or tama ang landas na tinatahak natin, KASAMA NATIN ANG PANGINOON. Hindi Niya tayo pinababayaan at nariyan Siya kung kailangan natin ng tulong. Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas Psalms 119:105. Ang Salita ng Diyos ay liwanag na gumagabay sa ating landas. Sa ating paglalakbay sa buhay na walang-katiyakan, ang pagbabasa at pag-aral ng Bibliya ay isa sa mga mahalagang bagay na kailangan natin gawin. Kung feeling natin naliligaw tayo, tinatawag tayo ng Lord para magtiwala sa Kanya, sa Kanyang plano, at sa Kanyang panahon. Ang Kanyang Salita ay nagbibigay liwanag sa ating landas at nagbibigay ng lakas at tibay ng loob para magpatuloy. At kung feeling mong naliligaw ka na at marahil naisip mong sayang lang ang oras, maniwala ka na sa season na ito si God ay nananabik na makalapit tayo sa Kanya at patibayin ang ating pananalig, pag-asa, at pagtitiwala sa Kanya Kailangan lang nating ipagpatuloy at maniwala sa Kanya.
by @craftedby

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com