30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; -Isaiah 46:9
Sa panahong ito umuunlad ang pagbebenta ng “security” or kasiguraduhan. Mapa-financial security – sa insurance ng bahay, kotse, or sa mismong buhay mo. O kahit sa mga physical security – walang humpay na commercials para sa home security systems. Mga estudyante sa kolehiyo nagbabayad ng libo-libo para sa degree na nag-aalok ng siguradong trabaho. Security. Gusto natin 'yan. Ang walang-katiyakan sa buhay ay nakakatakot, at yung security ay nakakaramdam tayo ng walang peligro. Walang namang masama sa pagkuha ng insurance ng bahay o di kaya sa kotse. Sa katunayan, nakakatulong ito sa mga panahong hindi natin inaasahan. Hindi rin masama ang student loans para sa mga estudyante. Sa katunayan, hindi ko matatamo yung mga alam ko ngayon kung hindi ako nagbayad para makakuha ng degree na meron ako ngayon. Walang masama sa security. Pero kahit sa security na pinagpaguran at natamo natin, may nangyayari pa rin na hindi maganda sa mga kaibigan natin, sa pamilya natin, at sa atin. Ang pagkilala at pagtiwala kay God ang mga bagay na pilit na idinidiin sa akin ng Diyos ngayong taong ito. Mukhang simple. Para sa atin na ang simbahan ay naging parte na ng buhay natin kahit noong bata pa tayo, itinanim na sa mga puso natin na magtiwala sa Panginoon. Pero habang lumalaki tayo at nagkaroon ng trabaho, at mamuhay ng sarili, nilalagay natin ung tiwala sa ating mga sarili lamang. Naniwala tayo na nasa atin ang ating mga kapalaran; nilalagay natin ang ating tiwala sa ating mga trabaho at career. Hindi ko sinasabing mali ang mag-establish career para atin pero kailan natin naisip ang mga buhay natin ay atin? Noong nakaraang taon, wala akong makuha ni isang trabaho at kinausap ko ang Panginoon, “Hindi ito dapat yung will mo para sa akin kasi kung ito man iyon, hindi talaga makakapagpasaya sa akin.” Hindi ko mapagtanto na nagiging makasarili na ako hanggang sa may nagsabi sa akin na malapit na kaibigan na tumatawa ng marahan, “Hindi trabaho ni Lord na sumaya ka.” Naisip ko agad na baka hindi niya ako naintindihan pero noong inaalala ko iyon doon ko napagtanto ang pagkakamali ko – na plinaplano ako para sa sarili ko at sinasabi ko sa Diyos kung ano dapat ang mangyari. Hindi tindahan ang Panginoon. Nagkamali ako na ilagay yung kasiguraduhan ko sa sarili ko at hindi sa Panginoon. “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;” Pinapaala sa atin ito sa Isaiah 46:9. Alalahanin mo yung mga panahon na naging faithful and Panginoon. Alalahanin mo yung mga oras na hindi ka pinabayaan kahit na pakiramdam mo ay ika'y nag-iisa at walang may pakialam sayo. “Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:” Mga kaibigan, noong sinabi ko sa Kanya ito, “Eto yung mga pangarap at plano ko sa hinaharap. Lahat ng mga ito ay sa'yo. Kung anuman ang gusto Mong gawin ko, gagawin ko. Mabigat man sa loob at may pag-aalinlangan, gagawin ko pa rin.” Nanguna Siya sa mga oportunidad at mga trabaho na mukhang imposible. Ngayong taong ito, tinatawag Niya ako na hindi ilagay yung security ko sa sarili ko pero sa Kanya lang. Ang verse na ito ay nananahan pa rin “Ako lang ang Diyos. Ako ang Diyos at walang Akong katulad.” Hindi ka Niya iiwan, kaibigan. Hindi ka Niya ilalagay sa kung saan ka man ngayon para lang malugmok. Hindi ka Niya iiwan.
by @evamwinters

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com