Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 17 NG 30

Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;
Romans 12:12

Ilang taon na ang nakalipas nang lumipat ako sa North Carolina para ipagpatuloy ang aking pag aaral. Naaliw ako sa natural na ganda ng lugar at sa mga taong nakikilala ko. Habang nakatira doon, nagsimula akong magkaroon ng problema sa pinansyal at nanalangin ako ng walang kapaguran para makahanap ng trabaho at makapanatili pa ako sa North Carolina. Pagkatapos ng ilang subok sa pag a-"apply" ng trabaho, parang ang lahat ay unti-unting nasisira. Sinubukan ko na ang lahat para lang manatili ngunit kalaunan napunta lang ako pabalik sa aming bahay sa State. Ako'y nabigo na ang mga plano ko sa buhay ay naantala.

Wala pang isang buwan ng bumalik ako, nakahanap ako ng trabaho na may magandang sahod. Pagkaraan ng isang taon, nalipat ako sa mas mataas na posisyon na tumulong sa akin na gamiting muli ang aking sariling mga paa, at naging pirmi na ang problema ko sa pinansyal.

Madalas nabubuhay kami ng may saya at komportableng buhay, nakakalimutan ko na ang kasiyahan ay hindi pang matagalan. Anong mangyayari kung ang buhay ay lumiko, nag iwan sa iyo ng sakit ng ulo? Nananatili pa rin ba ang kasiyahan?

Ang kasiyahan ay natatapos, ngunit ang kagalakan ay habang buhay. Kung nahihirapan ka ngayon, magalak ka dahil ang Panginoon natin ay hindi pumipili at pumupulot lamang ng ating panalangin. Sya ay mapagbigay loob at puno ng awa. Alam Nya ang ating puso; ang pinaka kailangan natin at ang mga problema natin ay hindi kailanman hindi mapapansin. Ang Panginoon ay maaaring sumagot sa panalangin nng "oo". Ngunit maaari rin Syang sumagot ng "hindi" at isarado ang pinto, dahil alam Nya na mayroong mas mabuti para sayo. Kung Sya ay tahimik, maging matiyaga ka. Habang tayo ay nag hihintay, ang Panginoon ay dinadalisay tayo at inaayos ang ating katangian, inaayos tayo para sa susunod na gagawin Nya para sa atin.

Ang panalangin ay hindi lang paghingi ng tulong sa Panginoon. Ito ay personal na pag uusap sa pagitin mo at ang Ama sa kalangitan, na minamahal ka at alam ang nakakabuti sayo. Ito ang walang hanggang kagalakan na pag asa na tayo'y kasama Niya!


by @remainauthentic
Translated by @joannessi_

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com