30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
"Magaan ang aking pasanin"
Mateo 11:30
Nagising ka na ba isang umaga na parang mabigat ang iyong pakiramdam, parang hinihigit ka pababa at may tanong ka na "Ano ba itong aking ginagawa, saan ako nagkulang?
Nanay ako ng apat na mga batang lalaki, 13 years old ang pinakamatanda, napakagandang karanasan na makita ang paglaki ng nakakawili at kaka-ibang mga personalidad ng aking apat na mga anak. Tuwang-tuwa ako sa kanila nung mga baby (o sanggol) pa sila, kaya ang baby season ang aking pinaka paborito. Mahabang oras ang aking ibinigay para sa pag-intindi sa mga maliliit, paulit-ulit, at nakakapagod na gawain kagaya ng paglalaba ng maduduming pantalon o shorts, pagliligpit ng mga laruan, paglilinis ng mga pinagkainan at paggising sa kalagitnaan ng gabi. Pagkatapos mayroon pang pagdidisiplina, pagtuturo, pagpapaalala, pag-uutos ng paulit-ulit. Pagkatapos ng isa, mayroon uling isa pa, walang katapusan. Mabigat. Nakakapagod.
Parang salungat sa mga taon na nadadagdag sa buhay ko ay lalo kong naramdaman na napakadaming kulang sa akin. Kapag nakalubog ka na sa lahat ng nangyayari sa paligid mo, talagang mapapaisip ka kung talaga bang may katumbas ang lahat ng ito. Napapaisip ako at kung minsan napapansin ko na parang wala akong trabahong natatapos kaya naiisip ko tuloy na baka hindi ako ang tamang tao para dito. Isa pa, kailan pa kaya ako magkakaroon ng sariling oras, kailan ko pa kaya maasikaso ang aking sarili? Kailan kaya ako makakain ng dessert (panghimagas) na buo, na hindi ko na ibibigay ang kalahati? Maramramdaman mo na bigo ka at magsisimula ka nang magalit.
Pinaalala ni Lord sa akin sa Awit 90 na ang panahon o oras ay madaling lilipas. Parang mahaba ang mga araw pero maiksi ang mga taon. Nahihirapan ako na intindihin ang paulit-ulit na mga gawain, pero hindi pala dapat ganoon. Siguro nga hindi ko alam ang lahat ng bagay at limitado ang aking mga alam para maging isang magulang pero naintindihan ko na hindi nga pala hiniling sa akin ni Lord na maging perfect ako. Ang hinihiling lang Niya sa akin ay ang gawin kahit ang pinakamaliliit na mga bagay ng may katapatan.
Ang Diyos ang bahalang magtatatag ng lahat ng gagawin ng ating mga kamay at Siya ay nag-aalok sa atin na tanggalin ang mga mabigat nating pinapasan. Bibigyan Niya tayo ng pasanin na kaya natin.
by @typexsundry
Translated by @faith_sketches

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com