30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Kabutiha't pag-ibig Mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay.
Awit 23:6
Ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos ang nagpapatatag sa aking pananampalataya sa Kanya, lalo na sa tuwing may dumarating na pagsubok sa aking buhay.
Madaling mawalan ng pananampalataya sa gitna ng kalituhan sa ating henerasyon. Ito ay nagbibigay sa akin ng kahinaan at ang takot, na kabaliktaran ng pananampalataya, ay nagdadala ng mga kasinunghalingan sa aking isipan.
Ngunit ang Diyos ay mabuti. Ang kabutihan Niya ay ganap at totoo. Dahil naniniwala ako dito, maaari kong ipagdasal sa Kanya na ako'y bigyan ng kakayahang makita ang mabuti at ako'y gabayan Niya patungo sa tamang daan na inihanda Niya para sa akin. Kapag alam ko ang kasagutan, wala akong dapat ikatakot.
Sapagka't Siya'y unang umibig sa akin, ako'y nagkaroon ng pananabik sa buhay na walang hanggang na walang pag-aalala na ako'y mawawalay sa Kanya. Dahil nangako Siyang ang kabutibutihan ay darating, kaya kong talunin ang takot sa pangalan Niya. Ang sakdal Niyang pagibig ay nagpapalayas ng takot.
Si Dabid, sa banal na kasulatang ito, sa gitna ng malaking panganib na hinaharap niya sa buhay, ay nakuhang isulat ang kantang ito ng may pananampalataya sa Diyos at pagpupuri sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos sa kanya. Nagawa niya ito dahil hindi siya tumingin sa kamatayan at hindi siya nagpasakop sa takot, kundi tumingin siya sa Diyos at nakita niya ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos sa kanya.
by @hey.jee
translated by @kaybeenotes

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com