Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 10 NG 30

Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya. 1 Peter 5:5-7 (Ang Dating Biblia (1905))

Kahit noong bata pa ako mahilig na ako sa sining. Hindi man ito katulad ng mga artistang mabilis na pagsikat, nagkaroon ako ng sariling papuri at ego boosters. Noong nasa eskwela pa ako, noong college, sinasabi ko sa sarili ko na ako ang pinaka-talentado sa lahat at ang pinaka-cool na estudyante na may branded na mga damit. Gets mo? Ginugol ko ang oras ko sa Instagram para maipahayag sa lahat kung gaano ako ka-cool. Sabihin na lang natin na nagpapasalamat ako sa binigay na talento pero madalas nilalagay natin sa utak natin. Wala talagang nagturo noon sa akin tungkol sa pagpapakumbaba.

At almost isang taon na rin akong tapos sa college at nagsusumikap na makahanap ng trabaho at magkaro'n ng stable na buhay. Marahil sa buhay na ito, hindi lahat pwede mong makuha agad-agad. Sa nakalipas na dalawang taon, nagkaron ng maganda at positibong pangyayari sa buhay ko. Napagtanto ko na hindi porke't ang isang tao ay hindi katulad sa akin o yung mga gusto niya ay hindi ko gusto, hindi ibig sabihin na hindi na siya mahalagang mahalin at bigyan ko ng oras. Nakita ko ang kagandahan ng hindi binibigyan ng halaga. Nakita ko ang halaga ng kauting pagpapakumbaba.

Ang sabi sa 1 Peter 5:5-7, “bihisan niyo pagpapakumbaba ang inyo mga sarili” at dun lang natin mararanasan ang biyaya. May tamang lugar para ipagmalaki ang ating mga pagsusumikap pero hindi ito dapat ang maging pundasyon ng at pagsusumikap. Humayo ka at magpakumbaba at pangako ko sayo mararanasan mo ang kabutihan ng Panginoon.

by @jessebowser

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com