30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
"Binigay ng Diyos ang Kanyang Salita; Hindi na Niya ito babawiin pa" Hebreo 7:21MSG
Noong unang taon ko sa kolehiyop, namayapa ang aming Tita Elizabeth dahil sa kanser. Siya ay nasa 30 taong gulang at iniwan ang kanyang asawa aty dalawang anak na hindi pa tatanda sa anim. Lihim kong dinamdam ang pagkawala niya, sinisisi ang pangyayari sa Diyos.Iyon ay ang mga panahong nagaaral ako ng musika at nagsisilbi sa aming ministeryo. Ilang taon namin pinagdasal ang paggaling ng aming tiyahin. Hindi ako nagduda. Buo ang tiwala ko na ang karanasan niyang ito ang magpapalapit sakanya sa Diyos. Punong-puno ako ng pananampalataya. Pero isang araw nalang ay lumugha ang kanyang karamdaman at siya ay namatay. Hindi ako makapaniwala at sadyang nagtataka dahil buong akala ko ay pagagalingin siya ng aking Diyos dahil siya ang ay tunay na tapat. Sa paglipas ng mga linggo at buwan, unti-unti akong napalayo sa Panginoon. Hindi ko matanggap na ang Mapagmahal na Diyos na nakilala ko ay wala noong hulig sdandali ng buhay ng aking tita. Inilihim ko ang nararamdaman kong pagdududa, galit at pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit Niya mangari ito. Habang ako ay nangunguna sa pagkanta ng papuri sa Diyos, sa aking loob, unti-unting nawawala ang aking tiwala Sa Kanya. Isang araw, umupo ako sa aking piano at nagsulat. Isa iyon sa mga pinakamabuluhang pakikipagusap ko sa Diyos. Nagagalit ako. Pakiramdam ko ay tinraydor Niya ko. Nararamdaman kong paunti-unti nang nawawala ang pananampalataya ko--hindi sa Diyos ngunit sa kanyang Kabutihan. Sinabi ko ang lahat ng ito sa Kanya. Binuksan ko ang aking Bibliya sa Job (ito ang madalas basahin ng mga tao kapag may pinagdadaanan silang hinagpis at nangangailangan ng makakasama) at ako ay talagang nagulat dahil sa kabila ng mga bagay na nawala kay Job ay patuloy parin siyang nanampalataya sa Diyos. Nang siya ay binubuyo ng kanyang asawa na talikuran ang Diyos, pinaalalahan niya ito na kung tanggap nila ang kabutihan ng Diyos, nararapat lamang na tanggapin ang para sa amin ay hindi masyadong mabuti. Hindi tayo ang nagdedesisyon n gating kapalaran maging ang plano sa atin ng Diyos. Dapat natin tandaan na ang Diyos ay Mabuti at Siya ay may mabuting plano para sa atin. Hindi lang Siya gumagawa ng mabuti bagkus Siya mismo ang Kabutihan. Hindi natin ito maunawaan lahat. Hindi natin kailangan intindihin. Noon mga panahong iyon, naramdaman ko ang nag-uumapaw na pag-unawa na ang kahit kalian ay hindi ako iniwan ng Diyos. Nariyan lamang Siya – naghihintay na ako ay lumapit at himingi ng lakas. Tanggap Niya ang aking mga pagdududa – sa katunayan, gusto Niya ito. Pero kailangan ko munang buksan ang aking mata nang sagayon ay mahilom Niya ako. Unti-unting hinilom ng Diyos ang sakit. Hindi Siya nawala. Hindi Niya ako iniwan. Hindi ko parin maintindihan bakit kailangan naming pagdaan ang lahat ng iyon ngunit natutuhan kong sumandal sa kabutihan ng Diyos at sa pagpapala Niya. Halos sampung taon na ang nakalilipas at kailangan ko paring paalalahanan ang sarili ko na ang Diyos ay kasama nating lalakad sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Kaya kahit anumang sakit ang pinagdadaanan mo, tandaan mo ito: Binigay sa atin ang Banal na Salita, hindi na Niya ito babawiin pa.
by @leaguedesing translated by @ariellejezzettemc

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com