30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
At siya'y nagsabi sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Kristo.” 2 Corinthians 12:9
Ikaw ba ang uri ng tao na ayaw magpakita ng kahinaan o anf tipo ng tao na buong pusong tanggap ang kanyang kahinaan? Marami tayong pinagdadaanang pagsubok araw-araw. Karamihan sa atin ay pinagdadaanan ito nang mag-isa. May parte sa atin na gustong patunayan sa iba na kaya nating mag-isa Bakit nga ba ganoon? Imbes na ibalik natin ang lahat ng papuri sa Diyos bilang pinagkukunan ng lahat, an ating pagmamataas ang dahilan nang pagtanngap ng lahat ng tagumpay. Sa tuwing tayo ay may kinahaharap na pagsubok, may lakas ba tayong titigan ito nang mata sa mata? Para sa akin, madalas. Isipin mo ang isang maliit na taong pilit na lumalaban sa mga higanteng kalaban at sa huli alam mo naman kung sino talaga ang nagwawagi. Anang Diyos, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.”. Hinahayaan nating tanggapin ang pagpapala ng Diyos at tayo ay umaasa sa Kanyang lakas. Kalakasang walang limitasyon, kalakasang hindi mapupuksa. Ang dahilan kung bakit madalas tayong malupig n gating mga pagsubok ay dahil kumakapit tayo sa maling pinanggagalingan ng lakas – ang ating sariling kakayahan. Ngunit kung ipagmamalaki natin an gating kahinaan at hahayaan ang Panginoon na manalig sa atin, walang sinumang higante ang imposibleng hindi malupig. Ang biyaya ng Panginoon, na siyang sapat sa atin, ay mananaig sa ating araw-araw na pagsubok.
by @quiettimewithnic translated by @ariellejezzettemc

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com