30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas
Psalm 13:5
Ang pananampalataya ay mahirap. Hindi natin lagi nararamdaman ang pananampalataya. May mga problema at minsan nararamdaman nating wala ang Panginoon. Naging Kristiyano ako buong buhay ko at ngayon ko lang naunawaan kung ano ang maaaring mangyari para maging totoong tagasunod ng Diyos. Hindi ito madali. Nahihirapan ako sa mga negatibo kong pag iisip. Hinahayaan ko ang kaaway pasukin ako at hinahayaan ko syang kontrolin ako, at ito'y mali. Madalas nararamdaman kong malayo ako sa Panginoon. Nararamdaman kong nabibigo ko Siya halos araw araw. Mahalagang ituon ko ang aking mata sa Kanya at pagkatiwalaan Siya kahit na madaming beses ko na Siyang nabigo, ngunit hindi Nya ako hinahayaang mabigo.
Psalm 13 ay isang paalala na panatilihin ang ating paniniwala sa Panginoon ano man ang mangyari. Kahit nararamdaman nating hindi tayo maayos, kahit na hindi natin nararamdaman ang kanyang presensya, alalahanin natin na ang pananampalataya ay hindi pakiramdam. Ito'y paniniwala--kahit sa panahong magulo. Para sa akin, ang pinaka nakaka apektong salita sa talatang ito ay ang salitang "ngunit". Limang letrang nakasunod sa mga problema ng mga pangyayari sa Kanyang Pangako na ginawa Niya. Kahit ano mang ibato sa atin ng mundo, maniniwala parin ako sa kanyang lubos na pag mamahal.
by @toferflowers translated by @joannessi_

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com