Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)Halimbawa

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

ARAW 2 NG 4

Day 2: Trabaho at Pananalapi

Basahin: Gawa 20:31-36

31 Kaya mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong sa loob ng tatlong taon, walang tigil ko kayong pinaalalahanan araw at gabi nang may pagluha. 32 “At ngayon, ipinagkakatiwala ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na tungkol sa kanyang biyaya. Makapagpapatibay ito sa inyong pananampalataya at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa lahat ng taong itinuring niyang sa kanya. 33 Hindi ko hinangad ang inyong mga kayamanan at mga damit. 34 Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan. 35 Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha. Lagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Hesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.” 36 Pagkatapos magsalita ni Pablo, sama-sama silang lumuhod at nanalangin.

Isipin:

1. Basahin ang Gawa 20:17-30: Anong pangyayari ang tinutukoy ni Pablo sa mga lider sa Efeso?

2. Anong ginawa ni Pablo sa iglesya ng Efeso? Isulat ang kanyang ginawa sa iglesia sa Efeso (vv 31-35)

3. Paano natugunan ang mga pangangailangan ni Pablo sa Efeso? (vv 33-35)

4. Paano naipakita ni Pablo ang isang buhay na sumasamba at nanalangin? (vv 19- 24, 27, 31-32, 36)

Isabuhay:

Si Apostol Pablo ay taga-gawa ng tolda at misyonaryo. Siya ay nagtatrabaho para tugunan ang mga pangangailangan niya at ibang tao habang naglilingkod sa mga tao at nagtatanim ng mga iglesya sa buong mundo.

Sa halip na kumita siya para sa sarili, ginagamit niya ang Kanyang kasanayan at sariling pera para isagawa ang tawag ng Panginoong Hesus at maging pagpapala sa mga komunidad na inaabot niya. Nakikita natin mula sa kanyang pamamaalam sa mga lider sa Efeso kung paano niya ibinahagi ang kanyang buhay, bumuo ng maka-Diyos na relasyon sa kanila.

1. Saan ako inilagay ng Diyos para matupad ko ang tawag Niya at makapaglingkod sa Kanya? Paano ko sadyang aabutin ang mga tao sa aking paligid at makapaglingkod sa kanila? (Isipin mo ang iyong trabaho, posisyon, impluwensiya, at mga relasyon)

2. Paano ako lalago sa mga sumusunod: (Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time- bound [SMART] commitments)

  • Kahusayan sa Trabaho at Ministeryo
  • Mabuting Pag-iisip sa mga Relasyon
  • Pamumuhay na Mapanalangin at puspos ng Espiritu
  • Pagsasakripisyo, Pangangasiwa, at Pagkamapagbigay

3. Paano ko maituturing na gawain sa Panginoon ang aking trabaho? Anong mga hakbang para maitatag ko ito?(Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time- bound [SMART] commitments. Halimbawa: “Bilang Kristyano, magsisimula ako ng oras ng panalangin at magsagawa ng isang Bible study sa trabaho minsan isang buwan.”)

Ipanalangin:

ANG TAWAG NG DIYOS

  • Alamin ang tawag Niya sa iyong buhay. I-alay mo sa Kanya ang iyong trabaho bilang isang kasiya-siyang sakripisyo. Maging handang sumunod sa Kanyang pamumuno at kung anong ipagagawa Niya sa iyo.
  • Hilingin sa Panginoon na ipakita sa iyo ang Kanyang ginagawa sa iyong komunidad. Ialay mo sa Kanya ang iyong trabaho at maging katiwala ka ng Kanyang kaharian.
  • Maging mahusay sa eskuwela o trabaho – gawin ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang.
  • Ipagdasal na magkaroon ng buhay na sumusunod sa Salita ng Diyos, naghahayag ng ebanghelyo at nagdidisipulo sa iyong pamilya, komunidad, kompanya, at bansa.
  • Maglingkod sa trabaho o komunidad (magsimula ng Bible Study o prayer time sa trabaho o sa lugar na malapit)
  • Hingin sa Diyos ang Kanyang karunungan at gabay sa iyong buhay at ang Banal na Espiritu ay bigyan ka ng espirituwal na paglago, kalakasan, at tapat na sumusunod sa Kanya. Ipanalangin sa Panginoon ang iyong problema sa pera: panghihina ng loob, pagkabalisa, pagkukulang, o takot na humahadlang sa iyong relasyon sa Diyos.

SUSTENTONG PANANALAPI NG DIYOS

  • Ipanalangin sa Panginoon ang iyong problema sa pera: panghihina ng loob, pagkabalisa, pagkukulang, o takot na humahadlang sa iyong relasyon sa Diyos.
  • Amining may mga oras na hirap ka sa pag-iisip ng iyong mga problema dahil umaasa ka sa sariling lakas o dunong, imbes na ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga pangangailangan higit sa lahat. Pagsisihan ang asa sa sariling lakas at karunungan, sa halip na manalig sa Diyos higit sa lahat para sa ating mga pangangailangan.
  • Hingin sa Diyos na bigyan ka ng tagumpay sa pananalapi at pusong naghahanap sa Kanyang Kaharian higit sa lahat. Na ang Banal na Espiritu ay tulungan kang maging mabuting katiwala ng kayamanan ng Diyos.
  • Ipanalangin na ikaw ay maging mas mapagbigay, masayang ginagamit ang iyong oras, talento, at yaman sa gawain ng Diyos sa iglesya, o sa sinumang nangangailangan ngayon.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

Araw-araw tayong may nilalabanang espirituwal, at ang tanging paraan para maging matagumpay dito ay sa pananalangin. Silipin natin ang Salita ng Diyos para sa iba't ibang sitwasyon kung saan naging solusyon ang panalangin sa mga hamon ng buhay, sa tulong ng Panginoon na Siyang nagbibigay ng ginhawa, kanlungan, at tagumpay!

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.ccf.org.ph