Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)Halimbawa

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

ARAW 3 NG 4

Day 3: Kagalingan: Personal at sa mga Relasyon

Basahin: Mateo 9:18-26

18 Habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang isang namumuno ng sambahan ng mga Judio. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, “Kamamatay lang po ng anak kong babae, pero kung pupuntahan nʼyo siya at ipapatong ang inyong kamay sa kanya, mabubuhay siyang muli.” 19 Kaya tumayo si Hesus at sumama sa kanya, pati na rin ang mga tagasunod niya. 20 Habang naglalakad sila, lumapit sa likuran ni Hesus ang isang babae na 12 taon nang dinudugo, at hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus. 21 Sapagkat sinabi ng babae sa kanyang sarili, “Mahipo ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.” 22 Lumingon si Hesus at pagkakita sa babae ay sinabi, “Anak, lakasan mo ang loob mo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae nang sandaling iyon. 23 Nang dumating na si Hesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakaingay. 24 Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang siya.” Pinagtawanan nila si Hesus. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Hesus at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito. 26 Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.

Isipin:

  1. Para lalong maunawaan ang lahat, basahin ang Marcos 5:21-43 at Lucas 8:40-56: Ano ang kahalagahan ng paghingi ng tulong ng isang namumuno ng sambahan mula kay Hesus? Anong kalagayan ng babaeng nangangailangan ng kagalingan (vv 18-19)
  2. Anong problema sa kalusugan ng babaeng lihim na humipo sa laylayan ng damit ni Hesus? Bakit makabuluhan ang kanyang ginawa? (vv 20-22)
  3. Paano tumugon si Hesus sa babaeng dinudugo? (v 22)
  4. Paano ang reaksiyon ng mga tao kay Hesus sa nais Niyang pagalingin ang bata? Anong nangyari bilang bunga ng pagpapagaling? (vv 23-26)

Isabuhay:

Ang kuwento ng dalawang taong nangangailangan ng kagalingan ay nagpapakita kung paanong tumutugon ang Diyos sa ating mga panalangin at kung paano Siya nagpapagaling. Sa kabila na siya ay opisyal ng sinagoga, ang lalaki ay mapagpakumbabang humiling ng kagalingan para sa kanyang anak na babae—kahit ito ay patay na, at binuhay na muli ito ni Hesus. Sa kabila ng takot at pag-iisa ng babaeng dinudugo, may pananampatayang lakas-loob na lumapit kay Hesus para siya ay gumaling. Kung nabubuhay na muli ni Hesus ang patay at napapagaling Niya ang may sakit, mapapagaling din Niya ang ating mga katawan, kaisipan, at puso, pati na ang ating mga relasyong kailangang ayusin.

1. Nakaranas ba ako ng isang sitwasyong nakapanghihina ng loob? (sakit, kahinaan, damdaming nahihirapan, o ibang problema)? Paano ako tumugon?

2. Paano ako magtitiwala sa Panginoon para sa aking kagalingan, at pagbabagong buhay?

3. May sirang relasyon ka ba sa isang tao ngayon na kailangang ayusin? Paano makapagbibigay ng kagalingan ang Panginoon sa iyong relasyon? (set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound [SMART] commitments Halimbawa: “Lalapitan ko sina sa linggong ito, makikipagkita sa kanila, kakausapin sila, pag-uusapan ang problema at sama-samang manalangin.”)

4. Magkaroon ng oras para ipanalangin ang may sakit, ang nangangailangan ng espirituwal na kagalingan at kaligtasan. Ipanalangin sila (pangalanan ang bawa’t isa mula sa linggong ito.)

Ipanalangin:

Aminin natin sa Panginoon na hindi tayo karapat-dapat ng Kanyang sakripisyo at pag-ibig; na hindi tayo nagtiwala sa Kanyang yaman at karunungan sa halip na tumakbo tayo sa Kanya, una sa lahat, para sa ating kagalingan at kalusugan.

ESPIRITUWAL NA KAGALINGAN

  • Ipanalangin na magkaroon ng tagumpay sa mga sumusunod:
    • Pagmamalaki, pagkamakasarili, mga tagong kasalanan
    • Pagsamba sa diyus-diyosan, kasakiman, materyalismo
    • Sexual purity, pagpipigil sa sarili, integridad
    • Addictions (alcohol, drugs, pornography, digital/ gaming, gambling, etc)
    • Masamang impluwensiya, di maka-Diyos na relasyon, tsismis, paninirang-puri, pagsisinungaling
    • Labanang espirituwal at atake ng kaaway (isip at kilos ng pagpapakamatay)
  • Aminin at humingi ng kapatawaran sa kasalanan, mga pagkukulang, at anumang pagka-alipin o pagkalulong; magsisi at sumuko, hingin sa Diyos ang isang bagong buhay.

KAGALINGAN SA DAMDAMIN AT KAISIPAN

  • Aminin natin na tayo ay natalo ng pag-aalala; umasa tayo sa ating sariling kakayahan at kaisipan para sa ating kagalingan at kalusugan sa halip na tumakbo sa Diyos, Ipagkatiwala natin ang ating kabalisahan sa Panginoon: panghihina ng loob, mga pagkukulang, pangamba o takot na humahadlang sa ating relasyon sa Diyos
  • Isipin ang mg taong kilala mo na kasalukuyang may problema sa damdamin at kaisipan. Ipanalangin at pangalanan ang bawa’t isa sa Panginoon para sa kanilang kagalingan at kaligtasan

KAGALINGAN SA KATAWAN

  • Sa ating pananalangin para sa ating sarili o sa iba, magtiwalang magpapagaling ang Diyos ayon sa Kanyang orasan at paraan. Sa halip na diktahan kung paano Siya magpapagaling, manalangin at manalig sa Siya ay Manggagamot noon, ngayon at magpakailanman
  • Hingin sa Diyos na bigyan ka ng tagumpay sa iyong kalusugan at kagalingan – may pusong naghahanap sa kaharian ng Diyos higit sa lahat. Hayaan ang Banal na Espiritu na gabayan ka sa iyong buhay upang tapat mong maalagaan ang iyong katawan na Kanyang templo
  • Ipagdasal na magkaroon ng mabuting kalusugan at gawin ang ating parte na kumain ng tama, matulog ng sapat, regular na nag-eehersisyo, at araw-araw na alagaan ang kaluluwa (spiritual disciplines)

KAGALINGAN SA RELASYON

  • Ipanalangin na magawa nating mahalin ang mahirap mahalin at maging tulad ni Kristo sa mga nagmamaltrato sa atin
  • Magpakumbaba at magpatawad kapag tayo ay kaaway ng isang tao at sikaping maibalik ang mabuting relasyon
  • Ipanalangin na magkaroon tayo ng tagumpay sa mga sumusunod:
    • Alitan sa pamilya, sa trabaho/eskuwela, sa mga kaibigan, o mga kasama sa iglesya
    • Hindi pagpapatawad
    • Sama ng loob sa mga nakaraang karanasang nasasaktan ka
    • Pagnanasang makapaghigante
    • Kayabangan, pagtatanggol sa mali, pangangatwiran sa kasalanan
    • Pagiging bastos o mapanakit sa iba
    • Mga atake ng kaaway, malademonyong impluwensiya
  • Hingin sa Panginoon ang tagumpay sa mga relasyon, pagpapatawad, pagkakasundo, at pagbabalikan pagkatapos ng alitan o kasakitan. Hayaang ang Banal na Espiritu na bigyan ka ng bagong buhay na espirituwal, bagong lakas at sigla sa tapat na pagsunod sa Kanya.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

Araw-araw tayong may nilalabanang espirituwal, at ang tanging paraan para maging matagumpay dito ay sa pananalangin. Silipin natin ang Salita ng Diyos para sa iba't ibang sitwasyon kung saan naging solusyon ang panalangin sa mga hamon ng buhay, sa tulong ng Panginoon na Siyang nagbibigay ng ginhawa, kanlungan, at tagumpay!

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.ccf.org.ph