Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)Halimbawa

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

ARAW 4 NG 4

Day 4: Ang Iglesya at mga Bansa

Basahin: Gawa 12:4-12

4 Pagkadakip kay Pedro, siya'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na kawal. Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng Paskwa, 5 kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Samantala, ang iglesya nama'y taimtim na nananalangin sa Diyos para kay Pedro. 6 Nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos siya ng dalawang tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. Balak ni Herodes na iharap siya sa bayan kinabukasan. 7 Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag na mabuti sa bilangguan. Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. “Dali, bumangon ka,” sabi ng anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro. 8 “Magbihis ka't magsuot ng sandalyas,” sabi ng anghel, at ganoon nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, “Magbalabal ka't sumunod sa akin.”

9 Sumunod nga si Pedro sa anghel, ngunit hindi niya alam kung totoo nga ang nangyayaring iyon. Akala niya'y nananaginip lamang siya. 10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa pintuang bakal na labasan papunta sa lunsod. Ito'y kusang nabuksan at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, biglang nawala ang anghel. 11 Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya, “Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa ibig ng mga Judio na mangyari sa akin.”

12 Nang mapag-isip-isip niya ito, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin.

Isipin:

1. Bakit ikinulong si Apostol Pedro? Anong ginagawa ng iglesya habang si Pedro ay nasa kulungan? (vv 4-6)

2. Sa anong paraan na himalang nakalaya siya sa tulong ng anghel ng Panginoon? (vv 7-10)

3. Anong naunawaan ni Pedro pagkatapos siyang nasaklolohan? Paanong nasali ang iglesia sa kanyang kalagayan? (vv 11-12)

4. Basahin ang Gawa 12:13-17, 24: Anong ginawa ni Pedro pagkatapos? Sa anong paraan na ginamit ng Diyos ang kanyang pagkakakulong para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo?

Isabuhay:

Si Apostol Pedro ay ipinakulong ni Haring Herod pero himalang pinalaya siya ng Hari ng mga hari. Habang naghihintay siyang makalaya, ang iglesia ay nananalangin para sa kanya. Habang ang anghel ay tinutulungang makalaya si Pedro, hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang nangyayari. Pero nang makasama niyang muli ang mga ibang Kristyano, nananalilg silang mangyayari ang impossible sa pamamagitan ng panalangin sa Panginoon. Ang kuwentong ito ay nagpapakita na ang ating parang nakakulong ng pag-asa at mga limitadong plano ay maaaring maging isang kahanga-hangang patotoo at isang paraan para maipahayag ang Ebanghelyo.

1. Ano ang mahirap na kalagayan ko ngayon? Paano ako makakapanalangin sa pinakamahusay na paraan?

2. Sa anong paraan ako magtitiwala sa Panginoon at humingi ng tulong at panalangin ng mga kapwa mananampalataya tuwing darating ang mga pagsubok? (Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time- bound [SMART] commitments. Halimbawa: “Regular na makikipagkita ako sa aking small group para sa pananagutan at panalangin bawa’t linggo.”)

3. Sino ang mga taong kilala ko ang kasalukuyang nakararanas ng mga pagsubok? (Pangalanan ang bawa’t isa at ipanalangin sila na mapagtagumpayan ang mga kasalukuyang pagsubok)

4. Paano magagamit ang kasalukuyan kong kalagayan para maibahagi ang aking patotoo at Ebanghelyo ni Hesus sa iba?

Ipanalangin:

Panalangin para sa Iglesya:

  • Manalangin na lalong maging tulad tayo ni Hesus, hindi makasarili at sakripisyong naglilingkod sa iba, na walang inaasahang kapalit.
  • Ipanalangin ang iyong iglesya para patuloy na luwalhatiin ang Panginoon sa sa lahat ng bansa.
  • Ipanalangin ang buhay na gumagalang sa Salita ng Diyos at sa mga namumuno sa iglesya—magpasakop sa Diyos higit sa lahat at sumunod sa karunungan ng mga elders, pastors, at servant-leaders.
  • Ipanalangin ang mga lider na palakasin sila ng Panginoon at bigyan sila ng karunungang makatuon para sa susunod na taon, para maluwalhati ang Diyos sa kanilang buhay at sa iglesya.
  • Maging bahagi ng isang Dgroup, o kung kasali ka na, magsimula ka ng sariling Dgroup sa taong ito.
  • Ipanalangin ang mga pinag-uusig na iglesya sa buong mundo na ipakita ng Diyos na Siya ay makapangyarihan para sa mga mananampalatayang nakakulong at pinahihirapan dahil sa kanilang pananalig kay Kristo; para sa kanilang patotoo sa gitna na matinding paghihirap ang Ebanghelyo ay mapakilala sa mga mang-uusig.

Panalangin para sa Pilipinas:

  • Ipanalangin ang mga mamamayan ng ating bansa—na lahat tayo ay matutong magtiwala sa Diyos ng buong puso at mamuhay bilang mga mapanalangin at masunuring lalake at babae ni Kristo. Nawaý ang bawa’t Filipino ay lumapit kay Kristo para sa tunay na kaligtasan at pagbabagong-buhay.
  • Ipanalangin ang ating bansa—kasama ang ating mga nanunungkulang lider, na nawaý lahat tayo ay hanapin ang Panginoon at gawin ang Kanyang kalooban sa mga isyung bumabagabag sa ating bansa.
  • Ipanalangin ang ating mga lider sa politika, batasan, at hukuman para panindigan ang mga pagpapahalaga sa Biblia at maging halimbawa ng maka-Diyos na ugali, kakayahan, hustisya, pananagutan, at pamilya—para sila ay maglingkod na may integridad, karunungan, katapatan, proteksiyon, at gabay: Ang Presidente, Bise Presidente, Gabinete at mga kasangguni.
    • Ang Senado at Kongreso
    • Ang Punong Mahistrado at lahat ng mahistrado
    • Ang Puwersa ng Militar at Pulisya
    • Mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan at Barangay

Panalangin para sa mga pangunahing pambansang isyu:

  • Para sa wastong pamamahala sa krisis at pagpapanatili ng ekonomiya
  • Panunuhol at katiwalian, mga kalakalan sa droga na labag sa batas, sapilitang paggawa, paglalako ng mga tao
  • Hindi maka-Diyos na pagpapahalaga, bumababang moralidad, materyalismo, pagsamba sa mga diyus-diyosan.
  • Mga hadlang sa ekonomiya, mataas na presyo ng gasolina, inflation, problema sa trapiko, mga panukalang batas at batas na labag sa Salita at kalooban ng Diyos
  • Na mas maraming Filipino sa lahat ng antas ng buhay ay maligtas, madisipulo at sila ay magkaroon ng tunay na pagmamahal sa Panginoon.

Panalangin para sa Mundo:

  • Ipanalangin ang lahat ng bansa at pamahalaan, na lahat tayo ay magtiwala sa Panginoon na tulungan tayong harapin ang mga hamon sa ekonomiya at magkaroon ng kapayapaan sa mga sumusunod na bansang may labanan, giyera, at wasak na ekonomiya:
    • West Philippine Sea at mga ibang bansang kasangkot
    • Israel, Gaza, Iran, at ang Gitnang Silangan
    • Ukraine at Russia
    • Armenia at Azerbaijan
    • Iraq, Iran, Afghanistan
    • Myanmar, ang bansa ng Rohingya
    • Sri Lanka
    • Sudan, Nigeria
    • Mga ibang bansang nahaharap sa kaguluhan
Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Undefeated: The Victorious Prayer Life (Tagalog)

Araw-araw tayong may nilalabanang espirituwal, at ang tanging paraan para maging matagumpay dito ay sa pananalangin. Silipin natin ang Salita ng Diyos para sa iba't ibang sitwasyon kung saan naging solusyon ang panalangin sa mga hamon ng buhay, sa tulong ng Panginoon na Siyang nagbibigay ng ginhawa, kanlungan, at tagumpay!

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.ccf.org.ph