Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ituon Ang Iyong Paningin Sa PanginoonHalimbawa

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

ARAW 1 NG 5

“Huwag kayong mag-isip na pareho pa rin ang inyong babalikan. Don’t live with regrets!” ang sabi ng ama sa kanyang mga anak. Totoo nga naman! Magandang balikan at pag-usapan ang mga lumipas na alaala. Pero kung ang ating alaala ay maghahatid ng isiping mayroong kakulangan sa ating buhay ngayon, mabubuhay tayong puno ng hinayang.

Unang Araw: Ang mamuhay na may hinayang

Kilala ang mga Israelita sa kanilang mga hinayang. Noong sila ay naglalakbay paglabas sa Egipto, nagreklamo sila kina Moses at Aaron. “Mabuti pa sana’y pinatay na kami ni Yahweh sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang sa gusto namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay kami sa gutom” (Exodo 16:3).

Ganoon lang ba kadaling nakalimutan ng mga Israelita ang paghihirap na inabot nila sa mga kamay ng mga Egipcio? Kumalam lang ang sikmura ay naglaway na sa karne at tinapay, gayong mayroon naman silang nakakain sa kanilang paglalakbay.

Bago pa pumasok ang mga Israelita sa ipinangakong lupain ay ipinaalala muli ni Moses na sila ay pinagpala ni Yahweh: “Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo nagkulang sa anumang bagay” (Deuteronomio 2:7).

We are where we are dahil sa Panginoon at sa Kanyang grasya. Iwasan na ang paglingon sa nakaraan upang maiwasan din ang magreklamo!

Pag-isipan Mo: Ano ang pinanghihinayangan mo na naghahatid sa iyo ng kakulangan?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

Itanong mo sa iyong sarili kung bakit nakakaramdam ka ng kakulangan sa iyong buhay at napupuno ng hinayang.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com