Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ituon Ang Iyong Paningin Sa PanginoonHalimbawa

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na Araw: Ang halaga ng self-reflection

Dapat lamang na mabuhay tayo nang walang hinayang. We must learn to move past our losses—ang mga bagay na nangyari na at hindi na maibabalik pa. Pero mayroon ding panahon na kailangan nating lumingon sa ating pinanggalingan for self-reflection. Ang dapat nating tandaan ay ito: We need to see ourselves through the eyes of God, upang makagawa tayo ng tamang hakbang—ang magbago at ang matutong sumunod sa kautusan ng Diyos. Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Roma, “Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya” (12:2).

Narito ang ilang bagay na matututuhan natin from self-reflection. Una, ang makaiwas sa negative behavior in the future. Tama na ang isang pagkakamali. Isipin ang paggawa ng kabutihan.

Ikalawa, pag-isipan kung ano ang iyong natutuhan. Mahalaga ito dahil paulit-ulit ang iyong failure kung wala kang lesson learned.

Ikatlo, mabuhay ng mapayapa. Napakahalaga ng mahimbing na tulog dahil sa pakikipagkasundo—hatid ng isang magandang relasyon sa Panginoon at kapatawaran sa nakaraan!

Pag-isipan Mo: Sa tatlong bagay na natutuhan mo tungkol sa self-reflection, pumili ng isang punto na makakatulong sa iyo ngayon upang maka-move on ka na at mabuhay ng walang hinayang.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

Itanong mo sa iyong sarili kung bakit nakakaramdam ka ng kakulangan sa iyong buhay at napupuno ng hinayang.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com