Ituon Ang Iyong Paningin Sa PanginoonHalimbawa
Ikatlong Araw: Makinig sa babala!
Isang warning ang “Watch your step!” Kailangan ng pag-iingat upang maging handa sa mga bagay na hindi inaasahan tulad ng wet floor o uneven surface levels.
Sa Bibliya, ang madapa ay katumbas ng pagkakasala. Ang una nating talakayin ay ang madapa tayo because of our old sinful nature. Sa aklat ng Mga Gawa, noong napuspos ng Espiritu Santo ang mga alagad ni Cristo at nagsimulang magsalita sa iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu, inisip agad ng mga nakarinig na lasing ang mga taong iyon (2:1-15).Ganoon siguro ang pagkakakilala sa mga ito noong araw! Kung ikaw ay binago na ng Panginoon, matutong mamuhay ng matuwid upang maiwasang madapa.
Ikalawa, ang madapa dahil sa pagsunod sa maling turo. Marami na ring pastors and Bible teachers ang nasira dahil sila mismo ay hindi sumunod sa Kautusan ng Diyos. Huwag hayaang masira ang iyong personal relationship with Jesus dahil sa kanila! Aralin mo ang Salita ng Diyos on your own and let God’s Word speak to you!
Pag-isipan Mo: Maghanap ng isang Bible verse na makakatulong sa iyong pakikinig sa babalang “Watch Your Step!” at gamitin itong pampalakas ng iyong kalooban.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Itanong mo sa iyong sarili kung bakit nakakaramdam ka ng kakulangan sa iyong buhay at napupuno ng hinayang.
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com