Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ituon Ang Iyong Paningin Sa PanginoonHalimbawa

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

ARAW 5 NG 5

Ikalimang Araw: Ituon ang paningin sa Panginoon!

“Keep your eye on the ball!” Iyan din ang itinuturo sa Bibliya tungkol sa kahalagahan ng focus, kung gusto nating maging matagumpay ang ating pananalig kay Cristo. Sinabi sa aklat ng Mga Hebreo, “Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan at kabuuan ng ating pananampalataya” (12:2).

Si Jesus bilang panimula ng ating pananampalataya. “Sapagkat tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol ang ating buhay sa paggawa ng mabuti” (Mga Taga-Efeso 2:10).

Si Jesus bilang kabuuan ng ating pananampalataya. “Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo pagdating ng takdang panahon…. Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban” (Mga Taga-Efeso 1:8b-10a, 11).

“Ituon natin ang ating paningin kay Jesus.” Hindi natin makakamit ang ating hinahangad na buhay na walang hanggan kung tayo ay palingon-lingon at inaalala ang ating nakalipas na binago na ng Diyos.

Pag-isipan Mo: Sumulat ng isang prayer of gratitude na naglalarawan ng pangangalaga sa iyo ng Panginoon, kasama ang iyong commitment to focus on Him alone.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

Itanong mo sa iyong sarili kung bakit nakakaramdam ka ng kakulangan sa iyong buhay at napupuno ng hinayang.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com