Life on Mission (PH) Halimbawa
Ano nga ba ang life on mission?
“Missio Dei” ay isang old latin na termino na ang ibig sabihin ay “Mission of God” o “Sending of God”— tinutukoy nito ang great mission ng Diyos para i-restore ang sangkatahuan sa Kaniyang sarili (by sending Jesus) at ang kaniyang calling sa atin na kaniyang Church para maging bahagi ng misyong ito. Nagsimula ang misyong ito ilang libong taon na ang nakakaraan at patuloy parin ito ngayon.
Si Jesus ay ang susi sa misyong ito. Sa pamamagitan Niya nagkaroon tayo ng access para maging parte ng great mission. Hindi lamang gumawa si Jesus ng paraan para ma-reunite ang relasyon natin sa Panginoon, ngunit Siya rin ay naging example kung paano ba isapamuhay ang life on mission.
Ang ‘Great Commission’ na tinutukoy sa Matthew 28:18-20, ay ang ating calling at pangaral mula kay Jesus. Ang sabi nga, “all authority has been given for you to go and make disciples teaching people to obey everything that Jesus has commanded you to do”.
Hindi lang ito calling para sa iilan, isa itong personal na command para sa iyo na tagasunod ni Jesus. Totoong mabigat na responsibilidad ito, pero hindi ka tinawag para gawin ito nang nag-iisa. It’s living as a Christ follower kahit saan ka man mag-punta, at sa pag-hayag ng pag-asa na mayroon ka.
Kaya importante na kilala mo ang Diyos. Kung kilala mo nang lubos ang isang tao, maiintindihan mo ang kapamaraanan nila, ang karakter, at magkakaroon ka ng intimate at close relationship sa kanila. You’d want to spend time and do life with them.
Minsan mukhang masyadong grand ang life on mission na ito at minsan naman mano-mano at sadyang mahirap at nakakapagod. May mga panahon na gagawin mo ang mission na may kasama ka at may mga araw din na ikaw lang, pero huwag mong kakalimutan na lagi mong kasama ang Holy Spirit. Siya ang sentro ng strategy. In fact, ang obedience natin sa prompting at guiding Niya ang nakakapag-ensure na effective ang mission natin.
Hindi basta lang task ang life on mission, ngunit ito’y isang lifestyle at commitment na kasama sa pag-tanggap natin kay Jesus. Ang pag-tanggap kay Jesus ay pag-tanggap rin sa misyong ito.
Sa pagtanggap natin kay Jesus, tayo ay binigyan din ng katauhan at layunin. Tayo ay ‘niligtas’ at ‘tinawag’ nang naayon sa Kaniyang purpose at mission. Kung na-kwestyon mo man ang purpose mo, tumingin ka lang kay Jesus. Naipakita na Niya ito! Ikaw ay tinawag para sumama sa Diyos at sa Kaniyang great mission na i-restore ang sangkatauhan sa Kaniya. Ang tanong, are you being effective sa misyong ito at sa pag-sunod sa Kaniya?
Download the yesHEis app to help you on this journey
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
What does a life on mission look like? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipag-sapalaran sa buhay na buong buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa Holy Spirit? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. It means understanding and living out ang personal call ng Diyos sa iyo.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/