Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 2 NG 5

Win the friendship, not the argument

A life on mission means being real and asking yourself kung kamusta ang pakikipag-communicate mo sa iba, hindi lang sa salita kundi sa gawa. Naranasan mo na bang makipag-usap sa iba tungkol sa Diyos, o tungkol sa faith mo, pero nauwi sa debate na walang pinatunguhan? Siguro tama naman lahat ng arguments mo o nag-share ka ng personal mong testimony, pero tuloy parin ang pag-reject ng tao sa mga sinasabi mo. Naramdaman mo na rin siguro na ang sarap nalang nilang sukuan, pero naisip mo ban a baka may mas importante pang at stake dito?

Hindi ibig sabihin kapag nanalo ka sa argument niyo ay you’ve won the person. Kabaligtaran pa nga. Ang mga debate at heated conversation can only cause a barrier o distansya sa inyo ng taong iyon na magiging hadlang na ma-receive nila ang Gospel. Sinabi nga sa 1 Peter 3:15 na mag-bigay tayo ng respect at gentleness sa pag-bahagi natin kung bakit natin pinaniniwalaan ang pinaniniwalaan natin.

Kapag naging debate na ang conversation, nagkakaroon ng division na nag-cacause para maging defensive ang mga tao. Sa mga ganoong pangyayari, lahat ng sasabihin ng bawat isa, kailangan may pantapat at panlaban. Madalas sa mga debate na nangyayari karamihan ng mga tao ay gusto na sila ang makitang tama, kaya mas mahirap nang mag-cut through sa defensiveness nila.

Kaya kung maari, mag change ng tactics at iwasan ang mga debate. Mas mainam na paraan ang pag-share nalang ng mga experiences sa isa’t isa. Ibig sabihin, makikinig kayo sa kwento ng bawat isa. Pwede mong ikwento ang mga sitwasyon na tinulungan ka ng Diyos at kung paano ka Niya binago nang makilala mo Siya. Pwede kang magkwento ng mga bagay na nangyari sa iyo at tanungin mo sila kung gusto rin ba nilang ma-experience ang mga bagay na naranasan mo since coming to the Lord. Pwede ka pang mag-offer na ipagdasal sila. Kung humindi man sila, you can leave the conversation having won the friendship rather than the argument.

Winning an argument can create tension sa friendship at mahahadlangan noon ang iba pang opportunities to share sa positibong paraan. Kapag na-win mo ang tao, marami ka pang opportunities para ma-disciple sila at ma-share ang buhay mo sakanila. Siguro you’re reminded of a time na hindi umayon sa tama ang opportunity mo to share, ito na ang pagkakataon mo para kausapin ang Diyos tungkol diyan. Pwede mo pa bang kausapin muli ang taong iyon para ma-restore ang friendship niyo at magkaroon ng reconciliation?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

What does a life on mission look like? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipag-sapalaran sa buhay na buong buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa Holy Spirit? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. It means understanding and living out ang personal call ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/