Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 5 NG 5

Pray for Wisdom

Gusto ng Diyos na nagbibigay ng wisdom, pero hindi ito basta basta ipinamamahagi at isinasaboy sa kung sino ang makakakuha. Binibigay niya ito sa mga taong humihingi nito. Dalawang example nito ay sila Solomon at Paul sa Bible. Humingi ng wisdom si Solomon para mai-lead niya ang mga tao ng Diyos. Si Paul naman kinailangan din ng wisdom para buong tapang na maipahayag ang Gospel.

Nang ipinadala ni Jesus ang labindalawang disipulo Niya sa Matthew 10, binigyan Niya ang mga ito ng awtoridad para mapalayas ang mga impure spirits at magpagaling ng mga sakit. Sa verse 16 nag-bigay Siya ng warning: “I am sending you out like sheep among wolves. Therefore, be as shrewd as snakes and as innocent as doves.”

Hindi mo madalas makikita na ma-aattribute ang wisdom sa ahas, pero listo ang mga ito at matatalino. Hindi sila basta bastang sumusugod, bagkus, tahimik at malumanay silang lumalayo sa mga mapanganib na sitwasyon. Clear ang kanilang mga eyesight, matalas ang pang-amoy, at kayang makarinig sa mga vibrations. Nakaka-sense sila ng gulo mula sa isang milyang distansya.

Pagdating naman sa pag-share ng faith mo, bawat is sa mga attributes na iyon ay dapat may kasamang pagiging malumanay at pagpapakumbaba katulad ng mga dove. Easier said than done, pero kaya kailangan natin na araw-araw na humingi ng wisdom kay Jesus. Wisdom para malaman mo kung kalian dapat mag-salita at kalian dapat making. Wisdom para malaman kung paano dapat sumagot, at wisdom para malaman kung kalian ba dapat lumayo mula sa mga walang saysay na usapan.

Sabi nga sa James 1:5, “If you need wisdom, ask our generous God, and he will give it to you. He will not rebuke you for asking.”

Ibinigay na ng Diyos ang lahat ng kakailanganin mo para maging successful ka saan sa pag-live out ng life on mission mo kahit saan ka pa mag punta. Humingi ka na ba ng wisdom sa Diyos, at nagawa mo na ba ang huling pinagawa Niya sa iyo?

Download the yesHEis app and start living your life on mission today!

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

What does a life on mission look like? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipag-sapalaran sa buhay na buong buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa Holy Spirit? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. It means understanding and living out ang personal call ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/