Life on Mission (PH) Halimbawa
Don’t avoid sinners
Living a life on mission is living in a way na may kunsiderasyon sa pag-intindi sa ibang tao. Ang mga pagtutol ng mga tao sa pananampalataya ng iba ay posibleng dahil may hindi magandang experience sila sa mga religious people.
Maaring they felt judged. Sabi ni Hesus: “Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you.” (Mat 7:1–2). Nakakalungkot dahil karamihan ng mga judgmental na tao ay mga relihiyoso at madalas mahirap ma-pinpoint sa sarili na nagiging judgmental ka. Hindi rin madali na alisin ang judgment sa iba dahil sa naka-embed sa thinking natin kung ano ang tama at mali.
Sa libro ni Judah Smith na, ‘Jesus is _____’ nakasaad: “Here’s how I assure myself I’m doing good. I make up rules to fit my standard of living, then I judge you by them. If you follow my rules, you’re a good person. If you don’t, you’re a bad person. If you have stricter rules than me, you’re a prude who needs to lighten up.”
Inadmit ni Judah na mali ang way of thinking niya. Ikaw ba? Naisip mo na rin ba iyon?
Namumuhay ka sa delusion mo sa paggawa ng sarili mong pantuntunan para mag-palubag ng sariling loob dahil mas “okay” ka kaysa sa iba. Pero sabi ng Diyos lahat tayo ay nagkasala, we’ve all fallen short of the mark.
Kung naiintindihan mo ‘to, maiisip mon a hindi kailangan na iwasan ang mga makasalanan. Sa makatuwid, kailangan nating makipag-interact sakanila. Lahat tayo ay nagkasala at kailangan ng grace mula kay Hesus. Ang diperensiya lang ay konektado ka na sa source ng grace na iyon.
Kasama sa pag-share ng faith mo ay pag-admit sa iba ng sarili mong kahinaan kung wala ang Diyos, at ang paghayag na ang mabuting balita ay gusto tayong i-welcome ng Panginoon sa kaniyang pamilya regardless ng mga kahinaang iyon.
Kung patuloy mo paring susundin ang sarili mong panuntunan at standard, at kung patuloy mong ijujudge ang ibang tao para maiangat ang sarili mo, you’re preaching the wrong Gospel.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
What does a life on mission look like? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipag-sapalaran sa buhay na buong buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa Holy Spirit? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. It means understanding and living out ang personal call ng Diyos sa iyo.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/