Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 3 NG 5

Be a breath of fresh air

Dito sa yesHEis, may kakilala kaming lalaki na nag-ngangalang Dan. Napapangiti niya kami.
Mayron siyang kakaibang saya na bihirang matagpuan sa iba. Palagi siyang nakangiti, he embraces life, at ine-enjoy ang bawat sandali sa araw-araw. Bukas ang mga mata niya at naghahanap lagi ng oportunidad para i-share ang faith niya sa iba’t ibang paraan. Siyempre, tulad ng iba, may mga down moments din si Dan, pero sa kabila ng mga downers, nananatili siyang masiyahin.

May something itong si Dan na mapapadaan ka nalang sa tinatawag na “the uncomfortable zone”. May boldness siya na nakakahawa and it comes with authenticity na unique sa kaniya—totoo siya at hindi niya sinusubukang maging iba. He can do the most awkward things and get away with it, at sa pagiging natural niya, naeengganyo niya ang mga tao kung saan naroon siya, allowing them to take a deep breath of fresh air. May kakayanan din siyang mapahalakhak ang mga tao, and leave them talking about him for days.

Hindi man tayo katulad ni Dan, pero importanteng alalahanin natin na binigyan ka ng Diyos ng mga talent at karakter na natatangi lang sa iyo. Gamitin mo ito para magbigay buhay sa kung saan ka man mapaparoon.

Hindi naman sa sinasabi naming na i-please mo lahat ng tao para magustuhan ka dahil kung lahat ng tao eh gusto ka at na-pplease mo, malamang hindi ka namumuhay nang naayon sa standard ng Diyos. Tanungin mo ang sarili mo. Nababatid mo ba ang kapaligiran mo at umuunlad ka ba sa kung saan ka naroon?

Sa pagpapamalas ng fullness ng mga bagay na ibiniay sa iyo ng Diyos, magiging dahilan ito para gayahin nila ang pamumuhay mo, at posible pa na mag-tanong sila sa iyo kung saan ba nanggagaling ang saya at lakas mo. You will raise a God standard at mapapansin ito ng mga taong nasa paligid mo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

What does a life on mission look like? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipag-sapalaran sa buhay na buong buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa Holy Spirit? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. It means understanding and living out ang personal call ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/