Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Ang Totoong Ikaw
Mayroon ka bang mga kinaugaliang bagay na mahirap alisin kahit na sinubukan mo ng gawin ang lahat? May adiksyon ka ba sa mga bagay na unti-unti kang sinisira? Feeling mo ba nawawalan ka na ng pag-asa?
Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang tanggalin ang mga adiksyong bumibihag sa atin.
Kung tinanggap mo si Cristo bilang iyong Tagapagligtas, ibig sabihin ang Kaniyang Espiritu ay naninirahan sa'yo. Siya ay totoong nangangalaga sa'yo! Gusto Niya na tayo ay maging buo at malusog sa pisikal na katawan natin. Kahit ano pa mang adiksyon ang iyong pinaglalabanan, kaya ni Jesus na bigyan ka ng pag-asa sa panibagong simula.
Maging totoo ka sa sarili mo.
Una, kailangan nating aminin na mayroon tayong problema at hindi tayo pwedeng magpatuloy ng ganito. Pangalawa, tanggapin natin na kailangan natin ng tulong mula sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi natin ito kaya sa ating sarili lamang.
Sinabi ng Diyos na maaari tayong lumapit sa Kaniyang trono upang humingi ng tulong sa panahong kailangang-kailangan natin. Hindi Niya tayo iiwan sa oras ng ating kahinaan. Hindi Niya tayo pababayaan kailan man. Kung sa pakiramdam mo ikaw ay bihag ng kasalanan at adiksyon, tandaan mo na ang Diyos ay palagiang nagpapalaya ng mga bihag. Hingin mo sa Kaniya na palayain ka Niya. Kaya ka Niyang palayain!
Tandaan natin: Mapagtatagumpayan natin ang adiksyon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kaniyang Banal na Espiritu.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Bigyan ka ng kapangyarihan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok.
- Bigyan ka ng karunungan upang makapili ng tamang desisyon.
- Magdala ng mga tao sa iyong buhay upang palakasin ka.
Pag-isipan:
- Anong maling kinaugalian ko ang mahirap alisin?
- May mga adiksyon ba ako na pumipigil sa akin upang ako'y maging ganap?
- Kaya ko bang magpakumbaba sa Diyos at hinging tulungan ako na maputol ang mga maling bagay sa aking buhay?
- Anong ibig sabihin na ako'y palalakasin ng Banal na Espiritu?
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/