Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Ano sa palagay mo?
Mahirap ba ang buhay Kristiyano? Hindi.
Sa totoo lang, ito'y imposible... kung sa ating sarili lamang.
Ito ang dahilan kaya ibinigay ng Diyos ang Banal na Espiritu. Siya ang sekreto sa pamumuhay ng matagumpay bilang isang Kristiyano.
Hindi mo kaya ng mag-isa.
Sa totoo lang hindi mo kayang gawin ang lahat ng bagay. Kailangan mapagpakumbaba tayo para tanggapin ito. Wala sa atin ang lahat ng sagot. 'Pag minsan kahit na gawin natin ang best natin, may kulang pa rin.
Buti na lang, hindi natin kailangang mamuhay sa ating sariling lakas bilang isang Kristiyano. Ipinangako ni Jesus na kakausapin Niya ang Ama upang ipadala ang Banal na Espiritu na manirahan sa atin.
Ang Banal na Espiritu ay ang pinaka-amazing na regalo ng Diyos sa atin. Isipin mo na lang. Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay ang parehong Espiritu na nagpabangon kay Cristo mula sa kamatayan at ito'y maaaring mamuhay sa'yo!
Ang Kaniyang Libreng Regalo Sa Atin
Ang dakilang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos ay para sa'yo. Hindi mo kailangan lumabang mag-isa para talunin ang kasalanan. Hindi mo rin kailangang maging alipin ng adiksyon. Nais ng Diyos na mamuhay ka sa totoong kalayaan. Gusto ng Diyos na mapuno ang buhay mo ng Kaniyang pag-ibig, kasiyahan at kapayapaan. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa Kaniyang Espiritu na nananahan sa'yo.
Isang bagay na dapat mong malaman: Ibibigay ng Diyos ang Banal na Espiritu ng libre kapag tayo'y humingi.
Tandaan natin: Ang Banal na Espiritu ang susi sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano. Hihingin mo ba sa Diyos ang regalo ng Kaniyang Banal na Espiritu?
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Puspusin ka ng Banal na Espiritu.
- Palakasin ka upang maging matagumpay laban sa kasalanan.
- Maranasan mo ang Kaniyang kapayapaan, pag-ibig at kasiyahan araw-araw.
Pag-isipan:
- Hiningi ko na ba sa Diyos na punuin ako ng Banal na Espiritu?
- Ano ang mga bagay sa aking buhay na sinusubukan kong gawin sa aking sariling lakas?
- Ano ang magiging itsura ng buhay ko kung dedepende ako sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, imbes na sa aking sariling lakas?
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/