Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Ang pagkatakot ay nakakalumpo.
Ano ang iyong kinakatakutan? Ang takot ay familiar sa lahat. Maaari tayong matakot sa kahit na ano--pagkawala ng mahal sa buhay, kamatayan, pagkabigo, at ang mga bagay na hindi pa nangyayari.
Iniisip pa natin ang mga potensyal na senaryo tulad ng: "Paano kung may manakit sa akin?" "Paano kung may mangyari sa mga anak ko?" o, "Paano kung kamuhian ako ng pamilya ko sa matagal na panahon dahil sa ginawa ko?"
Ang mabuting balita, hindi natin kailangang mamuhay sa kahihiyan ng ating nakaraan o takot na maaaring dalhin ng bukas.
Tinawag tayo ng Diyos ng higit pa roon. Sinusubukan ng mga taong solusyonan ang takot. Sinusubukan nilang lunurin ang kanilang takot sa pamamagitan ng mga gamot, stimulants, pagkain, barkada, entertainment o 'di kaya'y droga. Ngunit, ang pagpapamanhid sa takot ay hindi maganda o permanenteng solusyon. Ang makapagpapalaya mula sa takot na bumibihag sa'yo, ay ang bagay na mas malaki sa lahat ng takot na iyan.
Ang Diyos ay mas malaki sa ating takot.
Sa totoo lang, sinabi ng Biblia na ang perpektong pag-ibig ng Diyos ay "nag-aalis ng pagkatakot". Kung alam natin na ang Makapangyarihang Diyos ay nasa atin, hindi na tayo matatakot. Sinabi Niya na nasa panig natin Siya at hindi Niya tayo iiwan kailanman.
Ang pag-ibig Niya sa atin ay hindi nagbabago base sa ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ito'y wala ring kondisyon--hindi nakabase sa ating gawa. Piliin mo ang katotohan na ang Diyos ay para sa'yo--hindi laban sa'yo. Palagian Siyang nariyan sa tabi mo, at walang makapaghihiwalay ng pag-ibig Niya sa'yo.
Tandaan natin: Kapag ikaw ay natatakot, piliin mong magtiwala sa Diyos. Tandaang palagi mo Siyang kasama. Siya ay mas makapangyarihan sa kaysa anumang takot.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Bigyan ka ng kapayapaan sa naguguluhan mong puso at isip.
- Pawalain ang anuman at lahat ng takot na mayroon ka.
- Balutin ka ng Kaniyang presensya.
Pag-isipan:
- Anong mga bagay ang kinakatakutan ko?
- Papaanong ang aking takot ay nakakaapekto sa aking buhay at gayundin sa aking mga desisyon?
- Hahayaan ko bang ang presensya ng Diyos at ang Kaniyang pag-ibig ay ang magpapalaya sa akin mula sa takot?
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/