Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 3 NG 6

Hindi lang basta-bastang Kristiyano.  

Marami ang hindi nakakaunawa na ang mga Kristiyano'y mga sundalo.  Maaaring wala tayo sa pisikal na labanan ngayon, ngunit tayo'y kasama sa espirituwal na digmaan. Mayroong labanan na nangyayari sa kaliwanagan at kadiliman--sa pagitan ng kapangyarihan ng Diyos at ang lahat ng pwersa ng kasamaan. Alam mo ba ang nakataya? Lahat! 

Gagamitin ng kaaway ang maraming paraan at iba't-ibang taktika upang tayo'y ibaba at madala sa kaniyang kasamaan. Maaari niya tayong tuksuhin sa adiksyon, o kaya sa hindi kanais-nais na kaisipan at mga maling gawa. Gusto niya na tayo'y magkasala, sumuway sa Diyos, at tayo'y sumpain.  

Araw-araw kinakailangan nating piliin na bigyan ng kaluguran ang Diyos. Araw-araw din tayong lumalaban sa mga tukso at discouragement. Patuloy tayong lumalaban kahit na mahirap dahil alam natin na kaya natin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo na Siyang nagbibigay sa atin ng lakas. Alam nating ang Espiritu ng Diyos ay mas makapangyarihan kaysa sa anumang nilalabanan natin.  

Ikaw ang Kaniyang malakas na mandirigma.  

Maaaring lumalaban ka sa mga tila bang maliliit na labanan at personal na pagsubok na para bang hindi gaanong mahalaga. Ang totoo, napakahalaga sa buhay ang mga maliliit na struggles na ito. Nakikita ng Diyos ang lahat ng mga struggles natin at ginagamit Niya ang mga ito upang linangin ang ating lakas, maturity at karakter. 

Ang espirituwal na digmaan na ito ay hindi natin maaaring mapagtagumpayan sa ating sariling lakas lamang. Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok. Kung pakiramdam mo ikaw ay nasisiraan ng loob at hindi nararapat, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang isang basag na tao sa kamay ng dakilang Panginoon ay maaaring maging malakas na mandirigma.  

Tandaan natin: Araw-araw may espirituwal na digmaan, ngunit kung nasa atin ang Diyos, tayo ay nasa panalong pangkat.   

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo: 

  • Gawin kang malakas na sundalo para sa Kaniyang kaharian.
  • Palakasin ka laban sa atake ng kaaway.
  • Bigyan ka ng karunungan at kalakasan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok.

Pag-isipan: 

  • Ano ang mga struggles ko?
  • Saan ako nahihirapan o naaatake?
  • Nasaang pangkat ba ako?
  • Paano ko mapagtatagumpayan ang mga tukso? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom

Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/