Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 6 NG 6

Ano ang kwento mo?

Ano ang istorya mo? Maglaan ka ng ilang minuto at isipin mo kung nasaan ka ngayon at pahalagahan kung ano ang ginawa ng Diyos para sa'yo. Lahat tayo ay may iba't-ibang kwento sa buhay, pero isa lang ang hindi nagbabago: mabuti ang Diyos. Tapat Siya at palagi Siyang magiging tapat.

Inilabas Niya tayo sa pagkaka-alipin at binigyan ng bagong buhay. Binigyan Niya tayo ng kapangyarihan na mapagtagumpayan ang mga pagsubok. Siya ang ating pag-asa sa hinaharap.

Mamuhay ka sa totoong kalayaan na ibinibigay Niya sa'yo. Huwag ka ng bumalik sa pagkakabihag ng kasalanan. Sinabi ni Jesus, "Pinalaya Kita, ngayon mamuhay kang malaya. Huwag ka ng mamuhay sa kasalanan at pagkakahatol! Ikaw ay napalaya na."  

Hindi pa tapos.

Nilikha ka ng Diyos para sa isang layunin. Siya ay mabuting Diyos at mayroon Siyang napakagandang plano sa'yo. "Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging Kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap Niya." (Efeso 1:4) Walang makapaghihiwalay sa pagmamahal Niya sa'yo.

Sinasabi sa Biblia na ang Diyos ay binabago tayo "palakas ng palakas". Ibig sabihin nito ang istorya mo ay hindi pa tapos. Sinimulan Niya ang mabuting bagay sa'yo at Siya'y tapat na tatapusin din ito. Hindi ka Niya susukuan.  Parating pa lamang ang pinaka-maganda.

Tandaan natin: Ang Diyos ay tapat upang tapusin ang maganda Niyang sinimulan sa buhay mo.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Bigyan ka ng dakilang kinabukasan at pag-asa.
  • Tuluyan kang pagalingin at bigyan ng kalayaan.
  • Gamitin ang iyong buhay bilang patotoo sa Kaniyang kahabagan.

Pag-isipan:

  • Ano ang aking kwento?
  • Saan ako pinalaya ng Diyos?
  • Saan ko ba nakikita ang katapatan ng Diyos sa buhay ko?
  • Paanong nabago ang aking buhay simula nung tinanggap ko si Jesus?
  • Ano ang inaasahan kong makikita ko sa aking kinabukasan? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom

Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/