Ang Magandang Balita ng PaskoHalimbawa
Para sa mga Naniniwala
Sa mga talaan ng kapanganakan ni Hesus, unang inihayag ng Diyos ang Kanyang magandang regalo sa mga indibidwal mula sa lahi ni Haring David na naghihintay sa kanilang Tagapagligtas.
Si Maria ay isang dalagang birhen na ikakasal pa lamang kay Jose noong ihayag ng anghel na si Gabriel ang mabuting balitang ang kanyang sinapupunan ay magiging dalahan ng pinakahihintay nilang Tagapagligtas. Unang ibinahagi ito ni Maria sa kanyang pinsang si Elizabeth na milagrong nagdadalang-tao rin kay Juan na Tagapagbautismo. Ang dalawang babaeng ito ang unang nagdiwang sa nalalapit na pagdating ng ating Mesiyas.
Ang mga unang taong nakarinig ng Mabuting Balitang na kay Hesukristo ay maaaring matakot, mangamba, at tumangging maniwala rito dahil ang pagdeklara sa pagsilang ng Tagapagligtas at pagpapahayag nito ay kalapastanganan at maaaring maging sanhi ng kamatayan nila.
Ngunit ang dalawang simpleng babaeng tinawag ng Diyos para maging saksi ng pagdating ng Kanyang Bugtong na Anak ay magkasamang naniwala’t nagdiwang. Ang kanilang mga buhay ay nagbibigay ng magandang halimbawa sa ating ang Mabuting Balita ng Pasko ay para rin sa ating mga mananampalataya—upang tayo ay laging magkaroon ng pag-asa at dahilan para patuloy na umasa sa kakayahan at katapatan ng Diyos. Karapat-dapat lamang itong ipagdiwang at ibahagi sa iba ngayong Pasko.
Pagnilay-nilayan:
- Bakit natin kailangang alalahanin ang kahulugan ng Pasko?
- Bakit mahalaga para sa iyong ipagdiwang ang Pasko kasama ang ibang tao?
- Bilang isang naniniwala, paano mo maipapahayag ang regalo ng Diyos kay Hesukristo sa mga kapwa mo naniniwala?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://church.victory.org.ph/ortigas