Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Magandang Balita ng PaskoHalimbawa

Ang Magandang Balita ng Pasko

ARAW 5 NG 5

Para sa Atin

Para sa atin sa kasalukuyang panahon, ang kuwento ng Pasko ay tila karaniwan na lamang. Baka nga ang tunay na kahulugan ng Pasko ay nakaligtaan na rin natin. Ngunit sa pagtatapos ng ating limang araw na pag-aaral ng kuwento ng Pasko, nawa'y maalala nating ang Pasko ay hindi karaniwan lamang.

Sa pamamagitan ng mga buhay ng mga unang saksi ng Ebanghelyo (Gospel), nawa'y makita rin natin ang plano ng pagtubos ng Diyos bilang isang perpekto plano. Wala ni isang detalye ng Kanyang kapanganakan ay aksidente. Wala sa Kanyang nakatakdang gawin at isakatuparan sa mundo ang nagkataon lamang. Ang plano ng pagtubos ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo ay perpekto.

Si Hesukristo na Diyos Anak ay hindi nanatiling isang sanggol sa sabsaban. Lumaki siya bilang isang taong sinusunod ang Diyos Ama, nagpagaling ng mga tao (Juan 21:25), at naghahayag ng Mabuting Balita sa mga Hudyo at mga Gentil.

Si Hesus ay lumaki upang maging isang tagapaglingkod na humarap sa kamatayan sa krus upang ipakita sa ating Siya ang perpektong sakripisyo ng Diyos. Nabuhay Siyang muli upang ipakita sa ating sa Kanya at sa Kanya lamang tayo maaaring magkaroon ng buhay na walang hanggan. Umakyat Siya sa langit at inutusan tayong gumawa ng mga alagad Niya sa lahat ng mga bansa dahil Siya ay lagi nating kasama (Mateo 28:19-20).

Sa mundong ito, Pasko man o hindi, haharapin natin ang mga problema, dalamhati, pagdurusa, at kamatayan. Ngunit kay Hesus, mabubuhay tayo hanggang sa walang hanggan. Ito ang Magandang Regalo, ang Mabuting Balita, ang Ebanghelyo na nararapat na ibahagi sa mga taong lubhang nangangailangan ng isang Tagapagligtas lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Magandang Balita ng Pasko

Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://church.victory.org.ph/ortigas