Ang Magandang Balita ng PaskoHalimbawa
Para sa mga Maniniwala Pa Lamang
Ang kapanganakan ng Ipinangakong Tagapagligtas ay dumating na. Ang buong kasaysayan ay naghintay sa sandaling ito kung kailan darating ang Diyos upang pisikal na makasama ang sangkatauhan at gapiin ang kasalanan at kamatayan ngayon at magpakailanman.
Ngunit ang Kanyang pagdating ay hindi katulad ng pagdating ng ibang hari o kung paano natin inaasahang dumating ang isang hari. Walang lindol, apoy, o usok tulad ng Kanyang pagdating sa Lumang Tipan. Sa halip, ang Diyos ay piniling pagpalain ang mga saksing hindi rin inaasahan ang Kanyang pagdating.
Ang mga pastol na nagbabantay sa gabi ay nagkaroon ng hindi malilimutang pangyayari dahil sa paglitaw ng anghel sa kanila; “nagningning sa paligid nila ang nakakasilaw na liwanag ng Panginoon” (Lucas 2:9)—ito ay mga pastol na hindi mayaman, makapangyarihan, o relihiyoso.
Sa parehong paraan, ang mga magi ay may negatibong reputasyon para sa mga Israelita dahil sila ay nauugnay sa mahika. Sila rin ay mga Gentil. Ngunit sila man ay binigyan ng paanyaya na sambahin ang bagong silang na Hari at ginabayan sila ng Diyos patungo sa Bethlehem. Ibinunyag ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga magi sapat na upang labagin nila ang pag-uutos ni Haring Herodes na ibahagi sa kanya ang kinaroroonan ni Hesus upang siya ay “sumamba rin” (Mateo 2:12).
Ang mga simpleng taong ito ay nagpapakita sa ating tinatanggap ng Diyos ang lahat ng nais Siyang sambahin—sinumang pinili ng Diyos na makilala Siya. Higit pa rito, itinuturo ng dalawang grupo ng mga bisitang ito ni Hesus ang katuparan ng pangako ng Diyos—na si Hesus ay magiging Pastol ng Kanyang mga tao at Siya’y itinakda bilang perpektong tupa na mamamatay para sa sangkatauhan.
Pagnilay-nilayan:
- Bakit natin kailangang ipahayag ang Magandang Balita ng Pasko sa ibang tao?
- Balikan ang mga pangalang inilista mo sa unang araw ng ating debosyon. Paano mo maipapahayag sa kanila ang regalo ng Diyos para sa atin?
- Hingin sa Diyos ang mga oportunidad para makausap at maipahayag ang Magandang Balita sa kanila ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://church.victory.org.ph/ortigas