Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

O' Banal Na Gabi: Himig Ng PaskoHalimbawa

O' Banal Na Gabi: Himig Ng Pasko

ARAW 3 NG 5

Ikatlong Araw

Mateo 1:23

–“Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin Siyang Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”).

Kasama Natin

Minsan, maraming taon na ang lumipas ng umupo ako sa tabi ng aking tatay. Umaga ng araw ng Pasko noon. Nakaupo kami sa mababang bahagi ng hagdan ng aming bahay at nakikita ko sa mukha ni tatay ang kalungkutan na kanyang nadarama. Bakas na rin ang epekto ng sakit na dementia kay tatay. Iniisip pala niya ng mga araw na iyon na hindi na muli siyang makakaakyat sa hagdanan at makakapasok sa kuwarto nila ni nanay.

Dumaan naman ang aming pamilya sa panahon ng paghihintay. Paghihintay sa mga sandaling aalisin ng sakit na dementia ang boses at pag-iisip ni tatay. Paghihintay sa panahon na sasabihin ng kanyang mga mata sa amin na hindi kita kilala. Paghihintay kung kailan matatapos ang ganoong mga tagpo.

Noong araw ng Pasko na iyon, nagbigay pag-asa sa akin ang awiting, "O Come, O Come, Emmanuel." Tungkol ang himig na pampasko na ito sa paghihintay. Naghintay naman noon ang mga Israelita sa pagdating ng Haring Hinirang para sa kanilang bansa. Hindi naman nasayang ang kanilang paghihintay. Isinilang si Jesus sa mundong ito upang iligtas ang tao sa kaparusahan sa kasalanan. Ang kapanganakan din ni Jesus ang katuparan ng propesiya ni Propeta Isaias, "Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Emmanuel" (Isaias 7:14)

Ang kapanganakan ni Jesus ang siyang katubusan sa mga buhay natin na mapapahamak. Ang Kanyang presensiya sa ating buhay ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob sa panahon ng paghihintay at pagharap sa mga pagsubok. Kasama ng Diyos ang aking tatay noong mga araw na iyon habang tinitingnan niya ang aming hagdanan. At sa darating na panahon, makakasama rin ng mga nagtitiwala sa Panginoong Jesus ang Diyos sa walang hanggan. Si Jesus ang magtatapos sa masakit nating paghihintay. Siya ang katapusan ng lahat na ating inaasam. Kasama natin ang Diyos (Mateo 1:23).
Isinulat ni Karen Huang

Paano nakaepekto sa buhay mo ang katotohanan na kasama mo ang Diyos sa panahon ng iyong paghihintay? Paano mo tinitingnan ang buhay sa hinaharap na puno ng pag-asa?

Panginoong Jesus, salamat po dahil lagi Ka po naming kasama.

TALATA SA BIBLIA SA ARAW NA ITO | MATEO 1:20-23
20 Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
21 Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas Niya ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
22 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
23 “Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin Siyang Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”).
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

O' Banal Na Gabi: Himig Ng Pasko

Limang Araw na Pagbubulay mula sa Pagkaing Espirituwal

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://filipino-odb.org/