O' Banal Na Gabi: Himig Ng PaskoHalimbawa
Ikalimang Araw
Pahayag 21:5
–At sinabi ng nakaupo sa trono, “Binabago Ko na ngayon ang lahat ng bagay!”
Ikapitong Saknong
Nasunog sa isang aksidente at pumanaw ang asawa ng makatang si Henry Wadsworth Longfellow. Kaya naman, nakaramdam ng labis na kalungkutan si Henry sa kanyang pagdiriwang ng pasko na wala ang kanyang asawa. At sa mga sumunod na taon, ikinuwento niya na bumati ang kanyang mga anak ng maligayang pasko pero para sa kanya hindi maligaya ang pasko.
Nagkaroon naman ng digmaan sa bansa nila Henry at naging bahagi nito ang kanyang anak na lalaki. Nasugatan ito ng malubha dahil sa digmaan. Tunog ng tunog noon ang kampana ng simbahan nang malaman ni Henry ang nangyari sa kanyang anak. Isang malungkot na paalala para kay Henry na sasapit na naman ang Pasko. Dahil dito, naisulat niya ang tulang “I Heard the Bells on Christmas Day.”
Magaan sa loob ang simula ng tula na naging awiting pampasko ngayon. Pero, mula sa ika-apat hanggang sa ika-anim na saknong ng tula, parang hindi na ito naangkop sa himig na pampasko. Mababasa kasi ang mga salitang, “dagundong ng mga sinumpang kanyon.” Gayundin, ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa ng isang makata. Ito ang mga salita na tila ba tinutuya ang mensahe ng kapayapaan at diwa ng Pasko.
Gayon pa man, sa gitna ng malungkot at malamig na Pasko, narinig ni Henry ang himig ng pag-asa. Kaya naman, isinulat niya sa ikapitong saknong ang mga salitang punong-puno ng pag-asa. Sinabi ni Henry, “Hindi patay o natutulog ang Diyos; Ang Mali ay mabibigo, at magwawawgi ang Tama; Magkakaroon ng kapayapaan sa mundo, at may darating na kagandahang-loob sa tao.”
Nagpatuloy ang digmaan, ngunit hindi nito mapipigilan ang pagsapit ng Pasko. Ipinanganak na ang Haring Hinirang – Siya si Jesus! Sinabi ni Jesus, “Binabago Ko na ngayon ang lahat ng bagay” (Pahayag 21:5). Sa pamamagitan ni Jesus, maipakita nawa natin sa iba ang pagbabago na Kanyang ginagawa.
—Isinulat ni Tim Gustafson
Kailan ka nakaranas ng kawalan ng pag-asa? Sa paanong paraan ka nabigyan ng pag-asa ng pangako sa Pahayag 21?
Diyos Ama, nananabik po kami sa araw na babaguhin N’yo ang lahat ng bagay.
TALATA SA BIBLIA SA ARAW NA ITO | PAHAYAG 21:1-5
1 Pagkatapos nito, nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa. Naglaho na ang dating langit at lupa, pati na rin ang dagat.
2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Dios. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya.
3 Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Dios ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na Siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan Niya. At Siyaʼy makakapiling na nila [at magiging Dios nila.]
4 Papahirin Niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”
5 At sinabi ng nakaupo sa trono, “Binabago Ko na ngayon ang lahat ng bagay!” At sinabi Niya sa akin, “Isulat mo ang sinasabi Ko dahil totoo ito at maaasahan.”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Limang Araw na Pagbubulay mula sa Pagkaing Espirituwal
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://filipino-odb.org/