Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

O' Banal Na Gabi: Himig Ng PaskoHalimbawa

O' Banal Na Gabi: Himig Ng Pasko

ARAW 4 NG 5

Ikaapat Na Araw

Juan 1:14

–Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan Niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos Siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi Niya.

Salitang Namuhay Kasama Natin

Minsan, hindi nakasama ang kapatid ko sa kanilang camping dahil sumamâ ang pakiramdam niya. Kaya naman, nagtayo ang aming tatay ng tent sa likod ng bahay namin. Masaya nilang pinagmasdan ang maningning na mga bituin. Pinagkuwentuhan din nila ang mga pastol noon na nagtatayo rin ng tent sa malawak na damuhan habang binabantayan ang kanilang mga tupa sa gabi at gumigising sa umaga sa harap ng bukang-liwayway.

May sinabi naman si Apostol Juan sa kanyang isinulat na aklat tungkol sa pagparito ni Jesus sa mundo at namuhay kasama natin. "Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay kasama natin" (Juan 1:14). Ang salitang griyego na isinalin sa Tagalog na "namuhay kasama natin" ay nangangahulugan na magtayo ng tent. Ito rin mismo ang salitang ginamit sa Biblia kapag ang tinutukoy ay ang tabernakulo ng Diyos kung saan Siya nanirahan kasama ang mga Israelita noon (Gawa 7:44). Tulad ng pagtatayo ng Diyos ng Kanyang matitirahan kasama ang mga nagtitiwala sa Kanya.

Bigyang panahon sa pagbabasa at namnamin ang mga sinabi sa unang kabanata ng Aklat ng Juan. Nang sa gayon, makita pa natin ang nakamamanghang katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Salita. At ang katotohanan na pumarito si Jesus sa mundo para mamuhay kasama natin. Sinabi rin ang katotohanang ito sa awiting pampasko na "Angels from the Realms of Glory". Sinabi roon, "Namumuhay na kasama natin ang Diyos na nagkatawang-tao." Luwalhatiin natin si Jesus na kasama ng Diyos bago pa man likhain ang sanlibutan upang maging liwanag sa madilim nating buhay.
Isinulat ni Amy Boucher Pye

Ano ang nais iparating sa iyo na si Jesus ay namuhay kasama natin dito sa mundo?
Paano mo ikukwento sa iba ang tungkol kay Jesus sa araw na ito?

Panginoong Jesus, maraming salamat po na Ikaw ay pumarito sa mundo at namuhay kasama namin upang iparanas ang Iyong kagandahang-loob at pagmamahal.

TALATA SA BIBLIA SA ARAW NA ITO | JUAN 1:1-14
1 Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios.
2 Sa simula paʼy kasama na Siya ng Dios.
3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan Niya.
4 Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao.
5 Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at hindi ito nadaig ng kadiliman.
6 Isinugo ng Dios ang isang tao na ang pangalan ay Juan.
7 Isinugo siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw, upang sa pamamagitan ng kanyang patotoo ay sumampalataya ang lahat ng tao.
8 Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw.
9 Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.
10 Naparito Siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan Niya, hindi Siya kinilala ng mundo.
11 Pumunta Siya sa sarili Niyang mga kababayan, pero tinanggihan Siya ng karamihan.
12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Dios.
13 Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios.
14 Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan Niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos Siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi Niya.
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

O' Banal Na Gabi: Himig Ng Pasko

Limang Araw na Pagbubulay mula sa Pagkaing Espirituwal

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://filipino-odb.org/