Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong SalitaHalimbawa

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong Salita

ARAW 1 NG 7

Unang Araw: Ipinako

Pagkatapos, pinalaya ni Pilato si Barabas. Pero si Jesus ay ipinahagupit Niya at saka ibinigay sa mga sundalo upang ipako sa krus. (Mateo 27:26)

Basahin: Mateo 27:15-26

Malaki ang kinita ng sikat na pelikulang The Passion of the Christ. Nagmitsa rin ito ng iba’t ibang kontrobersiya. Ang sikat na artista na si Mel Gibson ang naging direktor nito. Tungkol ang pelikulang ito sa mga huling oras ng buhay ng Panginoong Jesus bago Siya mamatay sa krus. Sinasabi naman ng iba na binanggit sa Biblia na pinalo at ipinako lang daw si Jesus. Hindi na raw inilarawan ang lubos Niyang paghihirap na pinagdaanan. Gayon pa man, naglaan ng 127 minuto ang lumikha ng pelikulang ito para maipakita ang paghihirap at pagdurusang dinanas ng Panginoong Jesus.

Tinawag naman ng isang manunulat na si David Edelstein na madugong pelikula ang The Passion of the Christ. Pinuri naman ng kritikong si Roger Ebert ang pelikulang ito pero nagbigay din siya ng babala sa ibang manonood dahil punong-puno ito ng mga eksena ng karahasan.

Bagama’t para sa iba, sumobra sa paglalarawan ang eksena ng pagdurusa ni Jesus, may mga katotohanan naman doon na hindi puwedeng balewalain. Halimbawa nito ay ang paghampas at pagpalo. Isang malagim na pamamaraan noon ng parusa ang paghampas at pagpalo sa tao. Gayon din naman, ang ipako sa krus ang pinakamatindi at karumal-dumal na paraan ng kamatayan. Ang salitang Griyego na isinalin sa tagalog na ipako sa krus ay nangangahulugan ding ilagay sa isang poste. Noong panahon ng Imperyo ng Roma, ibinibitin o ipinapako sa isang poste ang mga kriminal na pinatawan ng parusang kamatayan. Kadalasan, hugis krus (+) ang poste kung saan sila iginagapos o ipinapako.

Dahan-dahang nahihirapang huminga ang isang taong ipinako sa krus. Kaya naman, ramdam na ramdam ng taong nakapako ang paghihirap bago siya malagutan ng hininga. Bukod pa rito, naririnig pa nila ang pangungutya at tawanan ng mga taong nakakakita sa kanila.

Kung babasahin natin ang mga Aklat na isinulat ng mga alagad tungkol sa kamatayan ng Panginoong Jesus, mamamangha tayo. Alam kasi ni Jesus ang mangyayari sa Kanya bago pa Niya danasin ang ipako sa krus. Gayon pa man, hindi na kinailangan pang kaladkarin o sigawan si Jesus para maipako Siya sa krus. Kundi, kusang-loob Siyang sumunod at inialay ang Kanyang buhay.

Alam ni Jesus ang mangyayari sa Kanya bago pa Niya danasin ang ipako sa krus. Gayon pa man, hindi na kinailangan pang kaladkarin o sigawan si Jesus para maipako sa krus. Kundi, kusang-loob Siyang sumunod at inialay ang Kanyang buhay.

May biro noon na mga inosente raw ang halos lahat ng kriminal at kung hindi ka naniniwala, e ’di tanungin mo sila. Pero sa kaso ng Panginoong Jesus, tunay na inosente Siya at walang nagawang pagkakasala. Mismong si Pilato na siyang naging hukom ay makapagsasabi na inosente si Jesus. Kahit ganoon ang nangyari, hindi mo makikita na kumuha ng abogado si Jesus para umapela sa korte.

Isinapamuhay ni Jesus ang mismong sinabi sa Kasulatan. Alam ni Jesus na nasa misyon Siya ng pagliligtas sa lahat. At alam din Niyang ipinanganak Siya para mamatay at ialay ang Kanyang buhay sa krus.

Ang hirap isipin na humantong sa pagkakaroon ng kapayapaan at maayos na relasyon sa Dios ang ginawang karumal-dumal na karahasan sa Panginoong Jesus. At sa pamamagitan naman ng pagtitiis at pag-aalay ng buhay sa krus ay maliligtas ang makasalanan. Nakamamangha talaga na nagkaroon ng bagong buhay mula sa malupit na kamatayan ang pagkapako ni Jesus sa krus.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na sabihin ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto, “Ang mensahe ng pagkamatay ni Cristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Dios” (1 Corinto 1:18).

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong Salita

Hango ito sa librong isinulat ni Len Woods na 101 Important Words about Jesus and the Remarkable Difference They Make. Pagbubulayan natin ang mga salitang ito: IPINAKO, KARATULA, DAMIT, KURTINA, HALAMANAN, NABUHAY AT PAGBABALIK. Maipaalala nawa sa atin ng mga salitang ito na binanggit sa Biblia kung ano ang nangyari sa panahon ng Mahal na Araw at higit sa lahat kung ano ang kaugnayan nito sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://filipino-odb.org/