Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong SalitaHalimbawa

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong Salita

ARAW 6 NG 7

Ikaanim Na Araw: Nabuhay

Pero sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na Siya rito. Nabuhay Siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay Niya”. (Marcos 16:6)

Basahin: Marcos 16:1-7

Ilang beses na nagturo sa Kanyang mga alagad ang Panginoong Jesus tungkol sa muling pagkabuhay. Gayon pa man, nang mabuhay Siyang muli, may ilan pa rin sa alagad ni Jesus ang labis na nagulat sa pangyayaring iyon.

May pagkakataon ba na naitanong mo sa iyong sarili kung bakit naaalala ng mga kaaway ni Jesus na muli siyang mabubuhay? (tingnan ang Mateo 27:63). Habang hindi naman naaalala ng mga alagad ni Jesus na muling mabubuhay ang Cristo? Naisip mo ba na kahit isa sa mga apostol ni Jesus ay may magsasabi nang ganito: “Mga kapatid, naaalala niyo ba ang itinuro sa atin ng Panginoong Jesus na muli Siyang mabubuhay makalipas ang ikatlong araw? Nakita pa natin kung paano binuhay muli ng Dios ang anak na babae ni Jairus, ang anak na lalaki ng isang balo sa lugar ng Nain at ang kaibigan ni Jesus na si Lazaro. Kaya naman, hindi ko alam kung bakit nakalimutan niyo na muling mabubuhay ang Panginoon. Pero ako, naalala ko at naniniwala ako. Kaya, pupunta ako sa halamanan kung saan nakalibing ang Panginoong Jesus at maghihintay sa muli Niyang pagkabuhay.”

Ibinalita ng isang anghel na muling nabuhay si Jesus. Ang salitang muling nabuhay ay nangangahulugan ding “tumayo ka, gumising o muling mabuhay mula sa kamatayan.”

Ang Muling Pagkabuhay na mismong naranasan ni Jesus ay hindi lamang pagkabuhay muli pero mamamatay ka pa rin. Hindi rin ito paglipat ang iyong kaluluwa sa ibang katawan ng tao. Ang muling pagkabuhay na naranasan ni Jesus ay pagkakaroon ng bagong katawan kasama ng ating kaluluwa. At hindi na muling makakaranas ng kamatayan ang katawang ito. Kabaliktaran ito ng kamatayan sa habang buhay.

May sikat naman noong pilosopiya na pinaniniwalaan ng mga Griyego. Dualismo ang tawag sa pilosopiyang iyon. Naniniwala sila na makasalanan ang pisikal na katawan ng tao at mabuti naman ang kaluluwa nito. Kaya naman, kapag namatay daw ang isang tao, iyon na ang muli niyang pagkabuhay. Malaya na raw siya sa kanyang makasalanang katawan. Kaya, hinding-hindi gugustuhin ng isang Griyego noon na muli pa siyang magkaroon ng pisikal na katawan.

Naniniwala naman noon ang mga Israelita na mangyayari ang muling pagkabuhay para sa lahat ng sasampalataya kay Jesus sa katapusan ng kasaysayan ng mundo. Bahagi ito sa magandang plano ng Dios na muling panumbalikin ang kagandahan nang buong sangnilikha. Hindi rin ito para sa iilan lamang kundi para ito sa bawat taong magtitiwala sa Panginoong Jesus bilang kanilang Dios at Tagapagligtas. May sinabi naman ni C. H. Dodd na isang dalubhasa sa Biblia tungkol sa muling pagkabuhay ng mga mananampalataya. Sinabi niya, "Ang muling pagkabuhay ay hindi isang paniniwala na lumago sa loob ng iglesya. Sa halip, isa itong paniniwala na siyang dahilan kaya patuloy na lumalago at tumatatag ang pananampalataya nang buong iglesya.”

Nang makita ng mga mananampalataya ang bukas na libingan at ang muling nabuhay na si Jesus, nasasabik silang ipamalita na muling nabuhay si Jesu-Cristo. Marami rin sa mga tagasunod ni Jesus ang pinatay sa patuloy nilang pagpapahayag sa magandang balita na ito. Hindi isang alamat o doktrina lamang ang muling pagkabuhay ni Jesus na nabuo sa loob ng maraming taon at pagkatapos ay pinalaganap. Isa itong balita na kumalat nang malawakan sa buhay ng mga taong naging saksi sa mga pangyayaring iyon (Tingnan ang 1 Corinto 15:34).

Nagkaroon ng buhay na pag-asa ang lahat ng sumasampalataya kay Jesus sa Kanyang muling pagkabuhay. Hindi na natin titingnan na huling hantungan ng tao ang kamatayan. Sa halip, naghihintay ang buhay na walang hanggan na kasama ang Dios para sa lahat ng mananampalataya.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Buod Ng Mahal Na Araw Sa Pitong Salita

Hango ito sa librong isinulat ni Len Woods na 101 Important Words about Jesus and the Remarkable Difference They Make. Pagbubulayan natin ang mga salitang ito: IPINAKO, KARATULA, DAMIT, KURTINA, HALAMANAN, NABUHAY AT PAGBABALIK. Maipaalala nawa sa atin ng mga salitang ito na binanggit sa Biblia kung ano ang nangyari sa panahon ng Mahal na Araw at higit sa lahat kung ano ang kaugnayan nito sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://filipino-odb.org/