Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Katulad Si JesusHalimbawa

Walang Katulad Si Jesus

ARAW 1 NG 7

Kapag parang tahimik si Lord… 🔕

Kapag hindi nangyayari ang mga bagay na hinihingi mo kay Lord, do you wonder ba kung bakit parang hindi Siya gumagalaw? Siguro naiirita ka kasi nakikita mo Siyang gumagawa ng mga malalaking himala sa Bible, at iniisip mo kung bakit hindi Niya na lang gawin agad ang mga hinihiling mo?

Alam mo ba na may kakaibang paraan ang Panginoon sa paggamit ng Kanyang kapangyarihan kaysa sa inaasahan natin? Kung tayo ang Diyos, baka ginamit natin ang kapangyarihang ito para pilitin ang mga tao na tanggapin si Jesus, para lahat maligtas. Baka ginamit natin ito para alisin ang mga tukso, upang wala nang mag-alala tungkol sa kasalanan at lahat ay maglakad na kasama ang Diyos.

Pero alam mo ba na ang pangunahing dahilan ni Lord sa lahat ng Kanyang ginagawa ay ang pagmamahal, kaya't iba ang pamamaraan Niya? Halimbawa, imbes na ipakita ang Kanyang kapangyarihan at lakas, pinili Niya ang kahinaan ng cross. Sa halip na alisin agad ang evil, pinili Niya itong hayaan.

Bakit? Para lang magdusa tayo habang narito tayo sa mundong ito?

Hindi. It’s for the deepest desire in His heart: para magkaroon ng mga nagmamahal na kusang-loob.

Kung dadalhin Ka Niya sa Kanyang kapangyarihan at kalakasan, baka mapilitan kang maglingkod sa Kanya, pero hindi yun ang gusto Niya; ang nais Niya ay masakop ang iyong puso. At ang cross, kung saan ibinaba Niya ang Kanyang kapangyarihan para sa'yo, ay siya ngang tumatawag sa'yo palapit sa Kanya!

Basahin mo itong verse:

"Ako'y Diyos, at hindi tao, ang Banal sa gitna ninyo; at hindi Ako darating na may takot." (Hosea 11:9 ASND)

Talaga ngang may ibang pamamaraan Siya, ang thankfully, ang mga pamamaraan ng Kanyang kaharian ay puro pag-ibig! Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2