Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Katulad Si JesusHalimbawa

Walang Katulad Si Jesus

ARAW 6 NG 7

Hindi ka failure! 🏆

May mga times bang feeling mo, parang failure ka? Mas mahirap pa sa mga panahong iyon if we think that the Lord is disappointed in us too.

Pero alam mo ba iba pala ang paningin ni Lord sa situation natin? May story sa Bible about the time that the Lord wanted to anoint the next king. Pinapunta Niya ang propetang si Samuel sa bahay ni Jesse, to anoint one of Jesse’s sons. Nang nagtipon-tipon ang buong pamilya, maliban sa pinakabunso, isa-isang tiningnan ni Samuel ang mga anak na lalaki ni Jesse; ang akala ng lahat, pati ni Samuel, ang panganay na mukhang makisig at magaling ang pipiliin, ngunit isa-isang tiningnan ni Samuel ang mga anak, at sinabing wala rito ang pinili ng Panginoon.

Basahin natin ang verse na ito:

Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.” (1 Samuel 16:7 ASND)

Alam mo ba ano ang nangyari pagkatapos nito? May bunsong anak pa pala si Jesse, na nagbabantay ng mga tupa. Pinatawag ito ni Samuel, at nang makita niya ito, sinabing ito ang pinili ng Diyos.

Paano nating maintindihan na hindi ni Lord pinili ang malaki, malakas, at makisig na panganay, kundi ang pinakamaliit na bunsong si David na parang pinagtatawanan lang ng lahat? Pero may nakita pala si Lord sa puso ni David kaya ito ang pinili Niya. Iba pala ang nakikita ni Lord.

Mag-relax ka, nakikita ni Lord ang hindi nakikita ng tao. May nakikita Siyang maganda sa iyo kahit na hindi mo alam ito. Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Walang Katulad Si Jesus

Isang 7-day Reading Plan Patungkol sa Walang Katulad na si Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day