Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Katulad Si JesusHalimbawa

Walang Katulad Si Jesus

ARAW 4 NG 7

Feeling mo ba, kulang ka pa? 😫

Do you have the mindset that something doesn't seem valuable unless it's complete? For example, may classmate o co-worker ka na laging nagkakamali, kahit ilang beses na turuan ng tama. Sometimes, it's the reason we get frustrated when someone- including ourselves- doesn't behave the way we expect them to. At pagkatapos, iniisip natin na kung tayo nga, bilang mga tao, ay nadidismaya, ganoon din siguro ang nararamdaman ng isang banal na Diyos!

Pero alam mo ba that God is greater than our present failures? Yes, He made us a new creation when He died on the cross for us. Ibig sabihin, nakikita Niya tayo na perpekto at walang kapintasan. Pero nakikita rin Niya habang tayo’y nakikibaka at nahihirapan sa ating mga current frustrations. Ang pagkakaiba lang ay, did you know that the Lord takes delight in the process of us drawing near to Him, not just as a truth, but also in our present condition?

Ang Awit ng mga Awit na isang libro sa gitna ng Bibliya is a love song duet between King Solomon and his beloved Shulammite. Ito’y isang magandang larawan ng pagmamahal sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang pinakamamahal: ikaw! This eight-chapter love song starts with a bride in a very immature and burdened state. Pero patuloy na sinasabi ni Jesus sa kanya kung gaano siya kaganda (halimbawa sa Song 4:7)—and in the process, Jesus brought her to complete maturity.

Say this aloud:

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus. (Filipos 1:6 ASND)

Tandaan mo, isa kang miracle!

Araw 3Araw 5