Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Katulad Si JesusHalimbawa

Walang Katulad Si Jesus

ARAW 7 NG 7

May nakakaintindi ba sa iyo? 🤓

May mga pagkakataon bang iniisip mo na walang nakakaintindi sa iyo? Napakalungkot di ba? Especially if even your family and closest seem so distant.

Sa mga times na ganito, maaari nating ikakatuwa na iba si Jesus kumpara sa mga taong pinakamamahal natin. Hindi ibig sabihin na close relationships have no value; meron naman, at binibigyan din ni Jesus ng importansya ang mga ito. Pero kailangan pa rin nating malaman na hindi Siya katulad ng taong may mga pagkukulang, people who may fail us at times.

Sa Bible, there’s a book called the Psalms, na may mga tula at awit. Karamihan sa mga ito ay isinulat ni David, ang batang pinili ni Lord na maging sunod na hari. According to history, may mga oras ding parang hindi naintindihan si David ng kanyang pamilya, kagaya ng panahon na pumunta ang propetang si Samuel, to see all of David’s brothers, and David was left behind tending the sheep.

Basahin natin itong verse from a Psalm written by David:

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin. (Salmo 27:10 ASND)

Nakikita mo ba? Kahit pala hindi tayo naiintindihan ng mga taong pinakamalapit sa atin, si Lord daw ang mag-aalaga sa atin. Iba talaga si Lord, ano? Naiintindihan Niya ang lahat ng pinagdadaanan natin, and we can take comfort in this truth.

Ito ang challenge namin sa iyo. Get a notebook or journal, at gumawa ng sulat kay Lord na nagpapasalamat sa mga panahong walang nakakaintindi sa iyo, but naiintindihan ka Niya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Walang Katulad Si Jesus

Isang 7-day Reading Plan Patungkol sa Walang Katulad na si Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day