Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Katulad Si JesusHalimbawa

Walang Katulad Si Jesus

ARAW 2 NG 7

✝️ Bible: ano nga ba ito?

Ano ba ang tingin mo sa Bible? Minsan ba para lang itong isang rule book, na para lang malaman ng tao ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa buhay? Marami sa atin ang lumaki na iniisip na ganun nga ang Bible. Siguro nga, hindi mo na rin binubuksan ang Bibliya kasi iniisip mong kapag binasa mo pa, lalong dadami lang yung mga bagay na hindi mo dapat gawin, and you’ll just become more aware of your sins.

Hindi ko sinisisi ang ganung pananaw, pero alam mo ba kung ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa Bible? Sabi Niya, ang Bible pala ay tungkol sa Kanya!

Sandali, baka magtaka ka, "Hindi ba't si Jesus, makikita lang sa New Testament? Wala naman Siya sa Old Testament ah?” Baka sa isip mo, the Old Testament is just full of rules, rituals, and Sunday school stories na wala namang kinalaman sa buhay mo ngayon.

Pero pagkatapos mamatay at muling mabuhay si Jesus, may dalawang alagad ang malungkot na naglalakad papuntang Emmaus, dahil iniisip nilang namatay na ang Mesiyas na pinanampalatayan nila. Most likely, they were reading the Bible (na noon ay Old Testament pa lang) nang katulad ng marami sa atin ngayon: parang mga simpleng kuwento o isang aklat ng mga batas na kailangan sundin.

Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila? Tingnan natin ang Luke 24:27:

At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta. (ASND)

Nakikita mo ba? Ang lahat pala sa Bible is about Jesus and His love for you. Ang malaking kuwento pala ay ang gawa ng kaligtasan ni Jesus as the Lamb of God, na nag-aalis ng kasalanan ng buong mundo.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Walang Katulad Si Jesus

Isang 7-day Reading Plan Patungkol sa Walang Katulad na si Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day