In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa
Ash Wednesday
Marahil ay nakita mo ang mga kaopisina galing sa simbahan at may abo sa kanilang noo. Ilan sa mga Cristianong simbahan ang hindi lamang gumagamit sa terminong "Ash Wednesday" bilang simula ng Kwaresma, kundi literal na naglalagay ng abo sa mga mananampalataya bilang paalala ng ating kasalanan, mortalidad, at ang pambihirang sakripisyo na binayad para sa dalawang ito.Naglalagay ka man o hindi ng abo sa iyong noo, naaangkop sa panahong ito na pakumbabang dumulog sa Panginoon, nang nakaluhod, lubos na batid at aminado sa na kailangan natin ng Tagapagligtas. "Ako'y isang hamak na tao lamang," wika ni Abraham minsan (Genesis 18:27), at ganun din tayo.
Nilalang ng Diyos, nabubuhay sa mundo ng Diyos, nabubuhay sa ilalim ng batas ng Diyos, at mananagot sa paghahatol ng Diyos, tayo'y nasa masamang lugar. Ang minana nating makasalanang DNA ay naglalagay sa atin bilang makasalanan sa mata ng Diyos bago pa man tayo isilang, at araw-araw ay dinadagdagan natin ang bundok ng kasamaan sa buhay natin. Ang dala-dala nating kasalanan ay nagdudulot ng paghahatol ng Diyos--“Sa lupang alabok ay babalik ka rin.” At mas masama pa--“Mapupunta ka sa impiyerno.”Subalit ang panahon ng Kwaresma ang magdadala sa atin ng mga kamangha-manghang kwento ng pagpapakasakit, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin. Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan, at paghahatol sa yo. At mga abo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.
More
We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org