In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa
Ikaw ay mabubuhay rin!
Nais nating lahat ang katatagan sa ating mga buhay. Lahat tayo ay nagaasam na lahat ng bagay ay mananatiling kaparis, mananatiling mapayapa. Tayo ay natatakot sa mga biglaang pagbabago--natanggal sa trabaho, nagtitiis sa mga pinsala mula sa sakuna o sa isang aksidente, nakaratay sa ospital dahil sa isang sakit. Ang mas masalimuot--natatakot tayong mamuhay mag-isa sa isang nursing home, o dalhin sa isang hospisyo.
Dumating ang ikinatatakot ni Martha--huli nang dumating ang Tagapagaling na si Hesus upang iligtas ang kanilang kapatid na si Lazaro. "'Panginoon," wika ni Martha kay Hesus, 'kung ikaw ay naroon, hindi sana namatay ang aking kapatid.' ... Sagot ni Hesus sa kanya, 'Muling babangon ang iyong kapatid'" (Juan 11:21-23).
Ito marahil ay mga walang kabuluhang salita mula sa isang may taning na mortal sa isang kapwa mortal. Ngunit ang mga salitang iyon ay nagmula kay Hesus, ang Panginoon at Patnugot ng kasalanan, sakit, kamatayan, at impyerno. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan at awtoridad upang bawiin ang kamatayan. Kanyang ipinakita ang kapangyarihang iyon sa mismong mosoleo ni Lazaro sa pamamagitan na paguutos sa huli upang muling bumangon at mamuhay. Ang pagpapabalik sa namatay na taong iyong ay isa lamang demo kung ano pa ang kayang gawin ni Hesus noong mga panahong iyon.
Ang muling pagkabuhay ni Hesus ang siyang pumapayapa ng ating mga pinakamalalalim na takot. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang garantiya ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan. Walang kondemnasyon para sa mga naniniwala kay Hesus. Ang Kanyang mulnig pagkabuhay ay garantiya ng iyo. Siya ay nabuhay. At ikaw rin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.
More
We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org