Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

ARAW 13 NG 14

Ang big deal

Ang mga kahanga-hangang piramid ng Ehipto ay sadyang tinayo para maging libingan ng mga paro: ang mga labi nina Djoser, Khufu, at Khafra, ay maingat na binalot at inalagaan. Ang mga bulwagang ito ngayon ay walang laman. Si Hesukristo ay hinatulan gaya ng isang napakasamang kriminal, subalit nilibing siyang gaya ng isang prinsipe sa isang bagong ukit na batong moseleo. Wala ring laman ang libingan, subalit dahil sa ibang dahilan. Ninakawan ang mga libingan ng paro. Si Hesus ay bumangon mula sa kanyang libingan at nabuhay muli.

Aakalain mong hindi maniniwala ang mga hindi Kristyano sa kwento ng Pagkabuhay. Subalit magugulat kang malaman na maraming Kristyanong guro ang abalang nagtuturo tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo, na ito ay hindi lamang tungkol sa muling pagbangon ng bangkay. Sa katotohanan, ang ating Tagapagligtas ay totoong namatay. Nawalan ng pulso. Nawalan ng hininga. Nawalan ng brain waves. Sa katotohanan, ang ating Tagapagligtas ay tototong nabuhay.

Iyon ay big deal. Ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ay ang pampublikong tatak ng pagpapatibay ng Ama sa buong buhay ng Anak. "At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya" (1 Mga Taga-Corinto 15:14) Kung ang katawan ni Kristo'y nanatiling patay, lubog ka pa rin sa kasalanan. Hindi mapapawalang-sala ang iyong kasalanan. Ang iyong sariling katawan ay hindi aalis sa libingan.

Subalit si Kristo'y nabuhay muli. Gayundin ang ating pag-asa. "Sumasampalataya ako sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao," sinasabi natin sa Apostle's Creed. Naniniwala ka ba dito? Ang mga naniniwala ay napatawad at immortal.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.

More

We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org