In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa
Ito'y tapos na
Isa sa dalawang pinaka importanteng araw sa kasaysayan ng sangkatauhan ay parang ordinaryo lamang sa ilang sundalong Romano. Ito'y isang malagim nilang katungkulan na magsagawa ng tatlong pagpatay sa publiko sa Herusalem isang araw bago ang Passover Sabbath. Kanilang isinasagawa ang kanilang tungkulin ng malagim at may bihasang pagkilos, minamartilyo ang mga pako sa kamay at paa ng kanilang biktima.
Dalawa sa kanila ay sumigaw ng ang kanilang sakit at poot. Ang Siyang nasa gitna ay nagpasan ng kanyang sakit nang may katahimikan, minsan nagsalita upang hingin sa Ama ang kapatawaran sa kanyang mga tagapag-pasakit. Habang si Hesus ay naghihingalo, nabatid ng tagapamuno ng kanyang pagpapako kung sino ang kanyang ipinako: "Nang marinig ng senturion, na nakatayo sa harapan ni Hesus, ang kanyang pagtangis at kung paano sya namatay, kanyang sinabi, ‘Tunay ngang siya ang Anak ng Diyos’” (Marcos 15:39).
Ang senturion na iyon ay bumalik sa kanilang kwartel ng araw na iyon dala dala ang tatlong bagay: ang kanyang parte sa damit na pinaghati hati sa mga taong pinatay, ang lubos na bigat ng konsensya na ang kanilang ipinako ay hindi lang isang inosenteng tao kungdi ang Anak ng Diyos, ang mabuting balita na ang kapatawaran ay sumasakop kahit sa isang mamamatay tao na kagaya nya.
Maraming bagay tayong makukuha mula sa kamangha-manghang eksenang ito, pero dalawa ang mas makabuluhan sa lahat. Una, ang pagkakapako kay Hesus ay nagpapakita sa atin kung gaano katindi ang ating mga kasalanan. Pangalawa, ang kanyang pagpapako ay nagpapakita sa atin na ang pagkabili sa ating kapatawaran ay matagumpay. Ito ay tapos na. Si Satanas ay tinapos na. Pinalaya ka ni Kristo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.
More
We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org