Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

ARAW 7 NG 14

Pagpapakumbabang Dakila

Ang mga kwentong marahil na unang nagustuhan ng mga kabataan tungkol kay Hesus ay may kaugnayan sa kanyang kapangyarihan.Tunay siyang mapaghimalang manggagawa!Panginoon ng karagatan, sumusupil ng unos, manlulupig ng sakit, mapagwagi sa mga demonyo, bumubuhay sa namatay-- sadyang wala siyang hindi kayang gawin.Siya ang "ultimate superhero", mas cool kaysa kay Batman o Superman.

At sa iyong pag tanda, mas ikalulugod mo si Hesus sa kanyang mapagpakumbabang mga gawa. Ang isa sa pinaka makapangyarihang tala sa Bibliya ay nangyari ng gabi ng unang Huwebes Santo. Ilang oras bago sya ipako sa krus, tinuruan nya ang kanyang mga disipulo ng isang aral na dapat pakatandaan ukol sa pamumunong may pagsisilbi.

Sa kanyang pagluhod sa harap ng bawat isa, tangan ang isang lalagyan ng tubig at tuwalya, kanyang hinugasan ang kanilang mga paa. “Inyo bang nababatid ang aking ginawa para sa inyo? Ngayon, ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas sa inyong mga paa, marapat lang na hugasan nyo rin ang mga paa ng bawat isa". (John 13:12,14).

Dahil sa kanyang serbisyo at pagpapasakit, tayo ay natubos ni Hesus. Ang kanyang halimbawa ng paglilingkod na may pagpapakumababa ang siyang mag tuturo at magpapaalala ng ating kilos o gawi sa araw araw. Ang mga tao ba sa iyong paligid ay makapagsasabi na minsan ikaw ay mapagmatigas sa tingin o pagsasalita, mapagmataas o di kaya ay palalo?Ikaw ba ay agad sumasaling sa agenda na ang nangingibabaw ay ang iyong kaginhawaan, kagustuhan at iyong kaluguran?

Ano ang anyo ng mapagkumbabang pag huhugas ng paa sa iyong tahahan? Gumawa ng listahan ng tatlong halimbawa at gawin ito ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.

More

We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org