Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

ARAW 6 NG 14

Magpakatatag!

Ang pambihirang 8-araw mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay ay tinawag na Mahal na Araw ng mga namamangha at nagpapasalamat na Kristiyano. Ito ang pinakamagandang bunga ng mga likha ng Panginoon na nakita ng buong mundo, higit pa sa Paglikha mismo. Nasasaad nito ang walang katumbas na tagumpay ng Tagapagligtas labas sa mga kampon ng kaaway: ang kasalanan, si Satanas, kamatayan, panghuhusga, at impyerno.

Gayunpaman, ang mga disipulo ng Hesus ay dumadaan sa matinding pagsubok noong mga panahong iyon. Karamihan ng mga bagay na sinabi sa kanila ni Hesus ay hindi nila maunawaan, at kung ano ang kanilang mga naiintindihan ay hindi nila nais marinig. Huwebes ng linggong iyon, ay kanilang ipinagdiwang ang huling Passover kasama si Hesus, at sa unang pagkakataon ang unang Komunyon at kanilang tinanggap ang katawan at dugo kasama ang tinapay at alak. Isa-isang hinugasan ni Hesus ang kanilang mga paang puno ng alikabok, bilang isang makapangyarihang pagpapakita ng tagapaglingkod-pamununo .

Ilang oras ng gabing iyon ay iginugol sa mahahabang sesyon ng pagtuturo. Ito ay isang maliwanag na prebista ng digmaan at mga pagsubok na nagiintay sa kanila at iba pa na lantad na naglilingkod sa Panginoon at Kanyang kaharian. Ngunit ito rin ay isang mahinahon at payapang proklamasyon ng huling tagumpa para sa mga kasapi ni Hesus sa pananampalataya. “Ang mga bagay na ito'y aking sinabi sa inyo, upang sa akin kayo ay may kapayapaan. Sa mundo ito kayo ay dadaan sa mga pagsubok. Ngunit huwag mabahala! Aking napagtagumpayan ang mundo” (John 16:33).

Narito ang pag-asa para sa lahat ng mga naniniwalang nababalisa at natatakot. Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang ating mga buhay ay napaloloob kay Cristo. Sa panlabas, ito ay mukhang nasisira. Ngunit ito ay isang ilusyon lamang. Ang realidad ay ang ating buhay, ang ating mga pag-asa, ang ating mga relasyon ay nasa mga mabubuting kamay ni Cristo. Kung maraming kaguluhan sa iyong buhay, magpakatatag! Nasupil na ni Cristo. Siya ay nagtagumpay; ikaw ay nagtagumpay. Makakahinga ka na nang maluwag.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.

More

We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org