In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Sino ang gumawa nito?
Maraming paninisi para sa nakapangingilabot na pagpako sa krus ni Hesukristo.Nagplano ng pagdakip ang mga punong pari ng mga Israelita.Ipinagkanulo siya ni Judas sa isang halik.Hinatulan siya ng mga pinuno ng bayang Hudyo.Isinakripisyo siya ng sistemang legal ng mga Romano para matahimik ang nagkakagulong mga tao.
Mabibigla ka bang malaman na sa kabila ng mga ito ay ang mapagparusang kamay ng Diyos Ama?Totoo!Ipinaliwanag ng propeta Isaias ang tunay na kahalagahan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo."Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;ang kanyang kamatayan . . .ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan" (Isaias 53:10).Kasali tayo sa mga may salang nagdulot ng kanyang kamatayan, dahil sa mga kasalanan natin.Pinarusahan siya ng Diyos Ama para sa atin, at inalay niya ang kanyang katawan para sa mga hagupit at pagpapapako dahil ang isang mundong makasalanan ang pinarurusahan.
Subali't sa mga sugat ni Kristo tayo ay napagaling.Sa pamamagitan ng pambihirang palitan, ang ating pagkakasala ay nalipat sa kanya at ang kanyang kabanalan ang napasa atin.Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, ang Ama ay tumitingin sa iyo na tila ba hindi ka nagkasala, na tila ikaw ang kanyang banal na Anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.
More
We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org