Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Debosyon Pang-Kwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

ARAW 3 NG 14

Pinagpala ang Hari

Wala nang ibang bansang mas nakaaalam ng pagpapakitang-gilas ng kabunyian gaya ng Britanya. Si Elizabeth 11 ay nanaig sa mahabang panahon na marahil ang tanging nabuhay noong 1953 ang makatatanda sa koronasyon niya, subalit malapit nang masaksihan ng mundo ang isa pa. Ang bagong hari ay darating kasama ang isang prusisyon, sunod sa sa Lord’s High Steward kasama ang gintong korona ni St. Edward, at hahandugan ng Golden Spurs (mula pa nuong A.D. 1189), gwantes pang hari, gintong globo, at gintong setro.

Anong kakaiba ang byahe ni Hesus sa paligid ng Bundok Olibo papunta sa Herusalem. Ang sasakyan niya'y bisiro ng asno, isang maliit na hayop na hindi siya mabubuhat ng mataas upang makita ng lahat ng namamasid. Subalit marami sa mga tao ang nakakilala sa kanya bilang hari kaya't nagsimula silang bumigkas: “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!” (Lucas 19:38). Ang maharlikang kapang naghihintay sa kanya ay isang lumang balabal ng isang Romano; ang setro niya ay maliit na tambo; ang koronang ipinatong sa ulo niya'y hindi mula sa ginto subalit sa tinik.

Ang dugong tumulo mula sa kanyang mukha galing sa mga tinik ay parehong dugo ng isang tao at dugo ng Diyos. Kaya ito ay may kapangyarihang tumubos at magligtas. Bilang isang tao si Kristo ay kinakatawan tayo sa hukuman ng Diyos; bilang Diyos ay kinakatawan niya ang buong mundo ng nangangailangang makasalanan. Ayon sa kanyang sugat tayo'y gumagaling.Ang Bundok ng Olibo ay nagsilbing isang mahalagang prusisyon ng pagluklok ng hari. Mula sa lugar na iyon din na ang muling nagbuhay na Kristo ay umakyat sa langit. Ang kanyang kababaang-loob ay napalitan ng kaluwalhatian; ang kanyang mga tagapaglingkod ay libo-libong anghel; ang kanyang presensya at Espirito ay lumulukob sa buong sansinukob; siya'y naghahari sa lahat para sa pakinabang ng kanyang mga kapatid. Sa pananampalataya, tayo rin ay kasama niyang maghari. Kabunyiang makalangit.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions From Time of Grace

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni Hesukristo para sa atin.

More

We would like to thank Time of Grace Ministry for providing this plan. For more information, please visit: www.timeofgrace.org